"Princess, Tara na! Dapat maaga tayo, madaming tao sa sementeryo! Baka maabutan tayo ng tanghali!"
"Oo! Ito na, patapos na!" Nagsuot na ako ng sapatos at tumakbong tinungo ang hagdan pababa. Kung makasigaw naman kasi tong mama ko. Akala mo naman may lindol.
"Princess, ano ba naman yang suot mo?"
"Bakit? May masama ba sa suot ko?"
"Wala naman! Tara na!" Kainis talaga tong si mama.
Habang naka-motor kami at ako ang nagda-drive, iniisip ko yung tungkol kay Prince. KAINIS!! Siniseen naman lage yung chat ko, tas hindi nagrereply!
Kainis talaga! Gusto ko tuloy itulak si mama sa subrang inis ko.
Peru, joke lang! Gaga naman ako kung ganun!
Nag park ako nang makarating na kami. May dala-dala na kaming kandila at bulaklak. Yung bulaklak, si mama lang ang gumawa. At galing yun sa flower garden namin. May flower shop kasi si mama kaya carry lang!
Nakarating na kami sa puntod ni papa. At doon kami tumambay. May shed kasi ito at pwedeng-pwedeng dito ka na matulog at kumain. Yung parang lamay. Malaki-laki din ito, kaya kasya kami kahit madami kami sa loob.
"Ang dami ngang tao ma. Tas mainit na!"
"Yun nga sabi ko sayo, dapat maaga tayo!" Pinagdasal ko nalang si papa at nagtirik ng kandila.
Ilang oras kami sa sementeryo! Hanggang napagpasyaahan namin na puntahan din yung ibang puntod ng kamag-anak namin.
Tas sa hindi inaasahang pagkakataon, may nakita akong puntod na Prince Jonass Nevilla ang pangalan.
In loving memory of:
Prince Jonass Nevilla
Born: November 1, 1999
Dead: November 1, 2018Rest in Peace
Nauna na si mama saakin at hindi ko na yun alintana. Napatitig lang ako sa puntod na may pangalan na to. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.
"Patay na siya? Tas namatay pa siya nung mag-19 siya." Kinikilabutan ako.
Yumuko ako para hawakan ang puntod niya. Hindi alintana ang init ng araw.
Nagtirik nalang ako ng kandila at pinagdasal siya. Hindi parin ako makapaniwalang china-chat niya ako kahit wala na siya. Kaya pala, walang naka kakilala sa kanya at private na facebook account niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/107214638-288-k805357.jpg)
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...