Masakit, peru kaya!

57 3 4
                                    

CONTENT WERE BASED ON THE CONFESSION I'VE READ ABOUT A MONTH AGO. IT WAS SAD--- ON THE SENDER'S PART. BUT-- SABI NIYA HAPPY NA NAMAN DAW SIYA KASI MAY PARTNER NAMAN DAW SIYA CURRENTLY. BUT, WHAT SHE DID WAS BEYOND WHAT I EXPECTED.

I MEAN, SIYA LANG ATA ANG MAY KAKAYAHANG GUMAWA NON.

(I forgot the Facebook page, but credits to that page. Hindi ko po ninanakaw ang love story niya at hindi din ako nag-ask ng permission. 😅😅 But, credited po sa owner to.)

And HINDI po ako nag-copy paste. INUULIT KO PO, HINDI PO AKO NAG-COPY PASTE. Hindi ko ugali yun. I used my own words dito, sadyang nagandahan lang ako sa nangyari sa kanya. Kaya might as well gumawa ako ng version ko, diba? Saka I made their names. Hahahahah..

Sisimulan ko na ha? Okay!

Sabi nila, "Ang tanga mo, Waihne!", "You don't have to do that!", " You're insane!", "Why did you do that?"

I just smiled and answered, "Because, that's the right thing to do."

Mahal ko si Ell higit sa pa iniisip niya, higit pa sa iniisip nila. At mahal ko siya higit pa sa iniisip ko. Ewan ko kung bakit, basta ang tanging alam ko lang ay mahal ko yung tao.

May parati siyang kinikwento saakin, yung ex-girlfriend niya.

Mahal na mahal niya daw yun. Ramdam ko sa bawat kwento niya kung gaano niya kamahal yung babaeng iyun. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun.

Kate daw pangalan nun eh. Ni minsan ay hindi naging dahilan ng away namin ni Ell si Kate, peru minsan aaminin ko-- dumadating talaga sa punto na nagseselos ako peru hindi ko sinasabi kay Ell.

Si Kate daw ang lahat ng first time niya. Kadalasan, si Kate ang laman sa kwentuhan namin. Keyso naiisip daw niya si Kate kapag may ginawa ako na ginagawa ni Kate dati.

3 years na kasi daw niyang hindi nakikita si Kate. At mahal talaga ni Ell ang ex-girlfriend niya, yan ang alam ko at ramdam ko.

Mahal din naman ako ni Ell. At shempre, minahal niya din si Kate. Alam ko naman yun.

At hindi naman iyun nagma-matter saakin eh. Kasi mas powerful ang panglaban ng present kaysa doon sa past.

Hehehehe. Optimistic lang seguro ako.

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon