GRRRRRRR!! KAILANGAN KONG ITYPE ULIT KASI NADELETE KO.. AIGOOOOO! Anong katangahan na naman to? Nanghihinayang ako, ang ganda-ganda ng pagkakasulat ko doon tas nadelete ko lang! Tas nandoon na lahat ng nangyari nung mga araw na yun?
Isa lang talaga tanong ko, BAKITTTTT??? Bakit ko nadelete? Sayang yun eh! Effort yun. Aishh! Di bali, sisimulan ko na para matapos.
I hope mareremember ko pa lahat ng yun.
Hindi parin ako maka-move on sa nangyari samin ni Ci-n kahapon. Kinikilig kasi talaga ako hanggang ngayon at-- nahihiya din ako at the same time. Kunting galaw nalang yung kahapon at magbe-beso na kami ni Ci-n eh.
Kinakabahan tuloy ako nang maalala ko yun huling sinabi niya saakin, "Because of this, I will be hard for you sa acceptance!" Well, alam ko na naman na magiging harsh sila saamin dahil huling stage na yung acceptance. Peru, hindi ko parin maiwasang mangamba. Iba si Ci-n, baka kung ano gawin niya saakin dahil sa salitang binitawan niya kahapon.
Saka, alam ko na naman din lahat ng kababoyang mangyayari sa acceptance. At alam ko din na kaya ko, at kakayanin ko. Matigas kaya to!
Nagpre-prepare na ako para sa gaganaping acceptance bukas. Kailangan kong magdala ng damit at mga pagkain. Excited na ako.
ACCEPTANCE!
"Today is the ceremony where all of you will be accepted as a official officer. At lahat ng training na napagdaanan ninyo will come to an end. But first, may mga stages pa kayong dapat pagdaanan bago ang ceremony of accepting. We prepared 15 heavy stations dito sa jungle. And every stations may mga officers na magfa-facilitate. You have the chance to choose kung sino yung gusto ninyung maging partner throughout the task." Agad naman akong kinindatan ni Leo at alam kong kami na magka-partner.
May mga fewer instructions pa bago kami nagsimula. At since 30 kami, binigyan kami ng station guide para malaman namin kung saan kami unang pupunta at kung saan ang huli. Malaki laki ang gubat at alam kong matatagalan kami nito.
Lahat kami pina-stay muna sa gitna ng gubat at kapag sinabing pwede na kaming tumakbo, tatakbo na kami.
"Aleya, ready ka na?" Tanong ni Leo. Tumango nalang ako at ngumiti.
"GO!"
"Tara na!" Agad akong hinila ni Leo para hanapin ang unang station na naka-assign saamin. At salamat naman at madali lang naming nahanap.
Sa unang station, blinind fold lang kami at yung instructions, kailangan naming makatawad sa kabila na wala kaming natutumbang lata. Nakahilera kasi ang mahigit 100 na lata sa lupa. Kaya naging maingat kami ni Leo.

BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...