Buti't wala na dito ang mga bisita at parents ni Hailey, kung hindi mas lalong magkakagulo dahil sa nangyayari. Sinabihan kasi niya ang mga kamag-anak niya na kami nalang daw mga kaibigan niya ang magpapa-iwan dahil bonding time nalang din daw namin.
Nagwa-wala si Hailey sa loob ng kwarto namin. At kahit si Leroy hindi siya mapa-awat. Panay sorry pa nito.
"Hails, please stop! Birthday mo ngayon, you should not be mad!" Tinry kong magsalita, baka makinig siya saakin. Nasa may bandang pintuan lang kami dahil ni isa saamin walang nagtangkang pumasok.
Baka kung masuntok pa kami.
"Huh! Mga walang-hiya yun! I treated them as a Friend. I treated Kathy as a friend. How could she do this to me? How could she stole Bent from me? At pinagmukha akong tanga!" Galit na galit na sigaw ni Hailey.
Maling timing naman na dumating din sina Bent at Kathy!
"What happend?" Napapikit nalang ako at napayakap si Lana saakin nang marinig naming sinampal ni Hailey si Kathy.
"Hey Hails, what wrong with you?" Pati si Bent pinagsasasampal nadin ni Hailey habang umiiyak ito.
"What wrong with me? No, what's wrong with the both of you? Sa debut ko pa talaga Bent at Kathy ha? Seriously? Kaibigan ang turing ko sayo Kathy. Alam mo yun, peru -- plastic lang pala ang ngiti mo saakin? Alam kong alam mo na boyfriend ko ang biningwit mo! Kathy naman! At ikaw Bent, you lied to me. MAGSAMA SANA KAYO SA EMPYERNO!" Nabangga pa ako ni Hailey nang patakbo siyang umalis sa kwarto. Sinundan naman agad siya ni Leroy.
"This is bad, Sandy! This is really really bad!" Nagulat ako ng hinarap ni Lana si Bent at Kathy na ngayon at umiiyak."Ano ba kayo! I told you already diba. Na wag na wag kayong magsasama kapag nanjan si Leroy at kapag nandito tayo sa island resort ni Hailey. Matagal na nating alam diba na gusto ni Leroy si Hailey. Malamang gagawa at gagawa yan ng paraan para magalit sa inyo si Hailey. Aish! Di naman kasi kayo nag-iisip binalaan ko na kayo!" Wait-- alam ni Lana na may namamagitan sa kanilang dalawa?
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...