Hindi ko na alam kung ano ang halaga ng buhay. Dahil Parang pakiramdam ko wala na naman akong rason para mabuhay. Seguro, kailangan ko ng tanggapin na ang lugar na ito ay hindi para saakin.
Nakakapagod din pala minsan. Ang mag tanong kung bakit lahat ng kamalasan dito sa mundo ay nasalo ko na. Nagkaroon ng pansamantalang pamilya, temporaryong mga kaibigan at boyfriend na matapos makuha ang gusto niya ay basta-basta ka nalang iiwan. Walang hiyang Jonard yun! Mapapatay ko yun eh!
Kinasusuklaman ata ako ng tadhana eh. Nasa huling stage na ako ng depression.
Hay nako ~~ Maddie Perez, bakit ka pa nabuhay sa mundo?
Tatalon na ako! Iiwan ko na itong magulong mundo ng mga tao. Pumikit ako at hinayaan ang sarili kong mahulog sa tulay.
"Hindi pagpapakamatay ang solusyon sa lahat ng problema mo Maddie!" Napatingin ako sa lalaking nakaitim na sumbrero na humawak sa braso ko.
"Tsk! Bitawan mo nga ako! Ano bang alam mo? Kung hindi pagpapakamatay ang solusyon sa bwesit na buhay na to, eh ano?" Inayos naman niya ang kanyang sombrero.
"Hindi ko alam--- basta hindi yan! Akala mo ba magiging kagaan-gaan na yang dinadala mo kapag winakasan mo ang buhay mo? Hindi! Hindi mo pa oras Maddie, kaya wag na wag kang gagawa ng bagay na alam mong pagsisisihan mo sa huli."
"Tsk! Pwede ba, sino ka ba? Bakit mo ba ako kilala? Kung sino ka man, wala kang karapatang diktahan ako sa kung ano man ang gusto kong gagawin. Ginusto ko to at alam kong hinding-hindi ko to pagsisisihan. Umalis ka na, hindi kita kailangan."
"MADDIE!"
-----------Naalimpungatan ako nang dahil sa subrang liwanag. Nakahiga ako sa isang malambot na kama. Where am I? What is this place? Am I dead?
"Bumangon ka na! May tatlong araw ka para libutin ang mundo. Dahil pagkatapos nun, ihahatid na kita sa kabilang buhay." Tumayo naman agad ako at tinignan ang lalaking naka-sombrero. Hindi naman gaanong kita yung mukha niya dahil sa sombrerong suot niya.
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...