Pyang-Pyong

45 3 2
                                    

Can I make you cry?

Kaya ko kayang paiyakin kayo?

Feeling ko hindi eh! Hahahaha, gusto kong itry peru nahihiya ako eh! Sa lahat talaga, ang hindi ko kaya ang magpa-iyak eh! Practisan ko muna yan.

Can I try it today? Try natin! Wag niyong pilitin kung hindi talaga nakaka-iyak ah! Alam ko naman eh! Huhuhuhu, charottt! OA na ng Lola niyo.

PS. Fictional lang po ang mga names ng characters at hindi totoo. Ang ano mang pagkakatulad nito sa totoong buhay ay hindi ko po sinasadya at nagkataon lamang. Totoo ang lugar, peru hindi ang mga tauhan sa story nato.

"Pyaaaang! Tara na late na tayo!"

"Itooo na pooo, Pyoongggg!" Halos madapa-dapa na ako sa kakatakbo para lang mahabol tong si Trap. Yes, best friend ko siya since elementary. At another yes, lalaki po si Pyong-pyong ko. Walang girlfriend yan, kasi ------- trip lang daw niya.

Pwede namang ako yung e-girlfriend niya for the mean time, Diba? Soo, let's just say na ---- girlfriend niya ako for the mean time. Hahahaha shhh!

Matagal na akong may crush kay Trap, a.k.a. KurdapPYONG. Matagal na talaga, high school ata nung nalaman ko na may nararamdaman na pala akong iba sa kinikilala kong bestfriend. Ewan ko ba kung paano kami nagkakilala, nakalimutan ko na ata eh.

Nung nagka-close kami, akala ko may something din siyang nararamdaman saakin. Peru bess, na-friendzone ako. At yun ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko.

Masakit pala talagang ma-friendzone no?

Peru, okay lang. Ayaw ko pa nun, best friend ko ang crush ko. Maganda kaya yun, try niyo.

"Ba't ba ang tagal mo palagi? Graduating na tayo, tas puro late na ang nasa class record natin. Pyang, dinadamay mo naman ako sa katamaran mo." Bulyaw niya saakin habang patakbong-naglalakad kami. Basta, patakbong naglalakad kami. Malapit lang din naman ang school mula dito sa bahay.

"Ehhh, hindi na naman tumunog yung alarm clock ko eh! Baka na Pipi na."

"Tsk! Palusot kapa, baka tamad ka lang talagang bumangon ng maaga. Alam mo namang 7 yung class natin, eh!" Inakbayan ko naman siya, pilit kong ina.abot ang balikat niya kahit subrang taas niya.

Aish, short woman struggles.

"Yak, pyang. Ang baho ng kili-kili mo!"

"Excuse me, ipa-amoy ko pa to sayo eh!" Pilit kong pinapa-amoy sa kanya ang lili-kili ko. Ngunit---- biglang naman niya itong kiniliti.

"Ahhh-ha-ha-ha~ Tama naa! Ha-Ha-Ha Bwesit oh! ------ Hoy! Bumalik ka dito!"

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon