Daming alam!

33 2 0
                                    

After how many years.. Charot lang.. Kaya natagalan kasi I uninstalled my wattpad app sa tab---- for 1 month, I think.. Kaya no more updates for the mean time.. (Tama ba? Mean time? Mean ba yun o main.. Aish! Ewan! Basta yun na yun!! Sorry maganda lang nagkakamali minsan! Hahahahahah)

And as requested, ang part na ito ay iaalay ko sayo NejiJungga dahil naligaw ka sa libro kong nabubulok at inaalikabok na.. Hahahhahaha char lang. SalamaT sa pagbAbasa..

SHORT UPDATE!

"Mamay, pwedeng pumunta sa park? Madaming bata doon kagaya ko. Makikipagkaibigan lang ako!" Sigaw ko kay mamay.

"Segi, Bella anak. Mag-ingat ka at umuwi bago maghapunan!" Ngumiti nalang ako saka tumakbo palabas ng bago naming bahay dito sa Manila.

Napahinto ako sa may park dahil naaaliw ako sa dami ng mga bata na kasing edad ko lang. Wala kasi akong gaanong mga kaibigan at kalaro sa probinsya. Kaya-- gusto kong makipag-kaibigan.

"Ahh!" Nadapa ako nang may biglang tumulak saakin.

"Hoy, bata! Lumayas ka nga at wag kang paharang-harang sa dadaanan namin. Teka, mukhang baguhan ka dito ah. Ngayon lang kita nakita."

Agad akong tumayo at pinagpagan ang pwetan ko.

"Tsk! Mabait lang ako kung mabait ang kinakausap ko. Hoy, tabachoy! Ang yabang mo ah, sayo ba tong park na to?"

"Oo, saakin bakit? Hindi mo ba nakikita o sadyang hindi ka lang marunong magbasa. Shawn's Park nga oh. Shawn pangalan ko, kaya kung gusto mong maglaro bata--- doon ka sa public playground, wag dito! Psh!" Sigaw nung Shawn saakin.

"Let's go Shawn, wag mo na yang pansinin. Nagpapapansin lang yan saatin!" Nilagpasan na nila ako dahil sa sinabi nung mukhang mayaman at masungit na batang kasama niya.

"Tsk! Hindi ako nagpapapansin sa inyo noh! Mga bakla! Pumapatol sa baba---" napatigil ako nang huminto sila at tumingin saakin.

"Now, you're dead---- meat---- young lady!" Sabi nung Shawn na rinig na rinig ko. "Kill her, Art!"

Galit na binalikan nila ako. Hindi ako natatakot sa kanila. Nakapamewang pa ako nang huminto yung lalaki sa harap ko at magkasing tangkad lang kami.

Kaya kung gusto niyang magsuntukan kami, hindi ko siya uurungan.

"Bata, gusto mo bang masugatan?" Seryosong aniya. "Hindi ako pumapatol sa babae kaya wag ka ding gagawa ng mga bagay na ikinagagalit ko. Ang pagpatol sa babae at hindi pagiging bakla, paalala yan na hindi lahat ng babae karapatdapat na wag patulan at hindi lahat ng lalaki kaya kayong masikmura. This is not a threat, this is a warning na kapag nagkita tayo ulit---- alam mo na kung saan ka pupulutin. Hindi mo kilala ang mga taong binabangga mo. Kaya mas maganda--- marunong kang mag-ingat minsan." Mahabang sabi niya bago nila ako iniwan.

"Yeah, Arthur Rofie Fajardo--- manang-mana ka sa mommy mo!"

"Shut up, Shawn!"

Binelatan ko sila habang naglalakad paalis. "Tsk! Daming alam!"

PS. Ahm, Arthur Rofie Fajardo
And
Chan Ysabella Renollino

On the media.
(Sila yan when they turn 17 at high school na. Hahaha)
ADVANCE AKO MAG-ISIP!
P

PS. This one was from my book --- na wala pang title at kasalukuyan kong sinusulat. Sina Art and Ysabella ay hindi yung mga bida dito kundi yung mga mommy and Tita nila..

Basta! Hindi na ako mag-eexplain further..

PEACE OUT PEOPLE!! HAHAHAH

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon