"Ako na, isali niyo ang sa akin." anang lalaki sa likuran ko. Paglingon ko, si daddy ang nakita ko.
He's so young at subrang gwapo niya. Medyo may kabaduyan ang pananamit pero maganda ang hulma ng kaniyang mukha lalong-lalo na sa malapitan. Daddy--
"17 pesos po lahat, kasama yung kanya." binayaran ni daddy ang pagkain ko. Nakapako pa rin ang paningin ko sa kanya, napapatitig ako nang hindi ko namamalayan.
"Miss, bayad na yan-- pwede ka nang umalis sa pila."
"Ah-- ahh, o-oo oo. S-Salamat--" mabilis akong umalis doon at naghanap ng pwedeng maupuan. Uupo na sana ako sa isang bakanteng table nang may biglang humigit sa kaliwang braso ko,
"Ahhhh--" hiyaw ko sa subrang sakit. Nandiyan ang hiwa ko e, preskong-presko pa yan.
"Juliana, tama na yan!" awat ng lalaki pero hindi ko alam kung sino.
"Hoy, Lily-- ang OA mo naman!"
"Tsk! Wala pa nga akong ginagawa sa kanya e, kung makasigaw naman 'tong babaeng 'to, akala mo naman sinampal ko na. Hello~""Hala, dumudugo ang braso niya."
"Hala, oo nga no. Hiniwa ba ni Juliana yan?"
"May kutsilyo bang dala si Juliana?""Anong ako?! Eh, hinigit ko lang naman! Baka may sugat na yan diyan abir. Malay ko ba! Tsk! Tayo na nga." at umalis yung mga babaeng humila sa akin nang napakalakas na syang ikinadugo ng sugat ko, nasa tatlo sila at sa tingin ko -- kaaway ni tita Leng 'tong mga 'to?
Napapapikit nalang ako sa subrang sakit. Batid kong dumudugo na ang kaliwang braso ko dahil napansin kong bumakat ang mumunting dugo doon sa damit ko. "Ugh! Sssss--" singhap ko sa hangin dahil sa pagtitiis sa subrang hapdi.
"Tara, sasamahan kita sa clinic." si daddy?
Ramdam kong inaakay ako ni daddy, masakit ang braso ko pero gutom rin ako kaya nakuha ko pang kunin ang sandwich at juice ko sa ibabaw ng table para manlang may makain ako. "Lagi kitang nakikita na ginugulo nung grupong yun, pero lagi ka ring ipinagtatanggol ng ate mo. Siguro'y nasa klasi siya ngayon kaya hindi mo siya kasama?"
"Ahh-- ehh--" hindi ko na itinuloy dahil papasok na naman kami sa clinic. Ginamot ako ng on-duty'ng nurse doon saka pinalitan ng bandage ang sugat ko.
"Napano 'to? Ang laking hiwa nito ah, hiwang kutsilyo."
"Na-- naaksidente lang po, nadulas."
"Hmm, saka pansin ko ang gandang plaster naman neto. Saang hospital 'to? Hmm oh-- okay na yan, iwas-iwas nalang sa gulo para hindi matabig. Hmm, pumirma nalang kayo sa log book tapos pwede na kayong umalis."
"Maraming s-salamat po--"
"Hmm--"
Sinulat ko ang pangalan ko sa log book.
'Liliana Drianne San Jose' saka ako pumirma.
"San Jose ka?" napatingin ako kay dad sa tanong niya, wirdo naman kung dad itatawag ko sa kanya e magkasing-edad nalang kami ngayon. Tinignan ko ulit ang pangalan ko, shoot! Mabilis ko yung binura.
'Lily Rennan Palma' at binago ko rin ang pirma ko.
"Bakit mo binago?" tanong niya ulit.
"K-kasi, ma-mali po e. Hehehehe." kinuha niya ang ballpen sa kamay ko at sinulat niya rin ang pangalan niya.
'Adrian San Jose' saka siya pumirma.
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...