Pilosopo Tasyo

41 2 12
                                    

Ako si Tasyo. 18 na at --- still counting.

At noon pa may, hinahangaan na ako ng maraming tao.

Dahil sa gwapuhan, katalinuhan, kayamanan at palakaibigan ako. Minsan nga kapag naglalakad ako sa daan, napapalingon lahat ng mga tao. Mababae man o lalaki, bakla o tomboy, matanda o bata, may ngipin o wala.

Akala kasi nila may anghel na bumaba galing sa langit. Naks naman ng mala-intrudaksyon ko.

Pumara agad ako ng jeep dahil pupunta akong Quezon City. Pupunta ako doon para makita Lola ko.

Ayan lumilingon na naman ang mga tao nang makasakay ako. Since naka-upo ako malapit sa driver ng jeep, naiabot ko ang bayad ko ng hindi dumaan sa maraming kamay.

"Manong bayad ko ho!" Ani ko sabay abot ng bayad.

"Saan galing?" Hindi ba niya nakitang ako ang nag-abot sa kanya?

"Sa akin!"

"Saan pupunta?" Aba, ginagago ako.

"Edi sayo. Tanga nito!" Hindi na siya nagsalita pa.

Malapit na akong QC at hindi padin ako sinusuklian. Anong problema nitong driver na to saakin?

"Manong, sukli ko ho!" Binigyan niya ako. Kulang naman. Tsk!

"Manong, bakit kulang yung sukli ko? Magkano ba QC?" Tanong ko.

"Bakit? Bibilhin mo ba?" Aba!

---------------------

"Oh, Tasyo apo! Napadalaw ka?"

"Hindi Lola, panaginip niyo lang po to. Pag bangon niyo, wala na po ako dito."

"Ha?" Kinurot naman ni Lola ang sarili niya. "Hindi ito panaginip apo. Masakit nung kinurot ko eh. Lika na, pasok na tayo sa loob!"

Malaki ang bahay ni Lola, masarap mga pagkain at higit sa lahat alagang-alaga ako. Gusto ko na nga dito eh. Sana pala nagdala na ako ng maleta.

"Tasyo apo, anong gusto mong pagkain? Ipaghahanda kita!"

"Kahit ano nalang po, Lola!"

"Apo, may pagkain bang kahit ano? Hindi pa ako nakakatikim niyan. Saan ba yan nabibili at mamamalengke ako?" Ngayon alam niyo na kung saan ako nagmana?

--------------------

"Lola, nasaan na po yung CR niyo dito?" Alam ko kasi yun nung huli akong pumunta dito. Nilipat ata nila.

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon