Diary ni Kitty!

60 2 2
                                    

At dahil maganda ang Lola niyo, naka-UD ako BWAHAHAHAHA. Charis, kahit naman may update na, wala namang nagbabasa. Tsk! Charia ulit!

Kasi naman ganito yung nangyari---- nung first day ng immersion sana namin, may cause of delay kaya buong hapon kaming nakatunganga at tumambay sa library. At dahil mahalaga ang oras ko, hindi ko pinalagpas ang pagkakataong sumulat.

Apat siya, plus ngayon nakasulat ako ng isa Lima na! Nako! Nako! Hindi ata ako tamad ngayon. Cge na! Yun lang, naishare ko lang! Hahahahahhaha!

Diary ni Kitty, natatawa ako dito. Hahahaha
-
-
-
-
-
"Eliha, akin na yan! Sabi ng akin na yan eh!" Gusto ko na atang mapaos sa kakasigaw ko. Ito naman kasing bruha kong kaibigan, kinuha ang diary ko. At hindi lang yun--- binabasa pa niya ng malakas. Nakakahiya~~ nasa loob kami ng classroom.

"Nakaka-ulol talaga tong araw na to-- nakita ko na naman si crush. Eh paano ba namang hindi eh-- classmate kami--"

"ELIHA! GUSTO MO BANG MAMATAY?" Tumatakbo-takbo pa siya dahil hinahabol ko siya.

"-- hay, ang gwapo talaga niya habang naka-headset--"

"ELIHA---"

"Class! Anong kaguluhan to?" Automatiko kaming napa-upo lahat nang nagsalita ang dragon na si ma'am Papi. Tumayo naman ako at inagaw kay Eliha ang diary ko at pinokpok ko sa ulo niya. "AW!"

"Ms. Kitty, bakit ba kayo nagtatatakbo sa loob ng classroom? Nagmumukha kayong grade 1!"

"Eh kasi naman ma'am, pinag-aagawan nila ang diary ni Kitty. Tas crush daw ni Kitty si Damien!" Sigaw nung chismoso kong classmate. Muntik ko ng maibato ang diary ko sa mukha nung chismoso peru nakandado ang tingin ko kay Damien.

Natutulog ata siya habang naka-headset. Gwapo kasi talaga siya.

"Ms. Kitty! Hindi tayo nandito sa paaralan para humanap ng love life, nandito tayo para mag-aral at matuto. Tsk! Get 1/4 sheet of paper. May surprise quiz ako! Faster!"

Ayan na naman yang si ma'am. Umupo nalang ako at tinago ang diary ko. Sa susunod, bibilhan ko na to ng pad lock para di na mabuksan nung bruha kong kaibigan. Tsk!

Natapos ang surprise quiz na 3 over 20 ang score ko. Ang galing ko nga eh, ako yung lowest. Tsk!

"Hahahaha, 3? Hahahaha, matalino pa naman yang si Damien, Kitty! Paano ka magugustuhan niyan eh 3 lang score mo? Hahaha aral kasi muna bago crush-crush!" Tsk! Ipakain ko to sa kanya tong score ko eh! Ka-bwesit!

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon