Nagbago ang buhay ko simula nung nag-college ako. Naglalakad nalang ako sa saan na pinagtitinginan at pinag-uusapan ng mga taong madadaanan ko. Hindi ko naman sila masisisi.
Nabuntis ako sa mura kong edad. 14 years old pa ako nung mabuntis ako ng boyfriend ko. Ngayong 20 na ako at 4th year college, 6 years old na ang anak ko at nag-aaral na ng grade 1.
"Siya ba yung mommy ni Daehan? Siya nga yun! Alam niyo ba, ang bata-bata pa ng batang yan, 6 years old na ang anak! Tss! Tss! Tss!"
"Nasasayangan at nakakapanghinayang lang eh! Matalino pa naman daw yan nabalitaan ko. Ulila na kasi kaya hindi gaanong naalagaan ng mabuti!"
"Saan na kaya ang asawa niyan? Yung lalaking nakabuntis diyan? Seguro nilayasan! Katorsi pa kasi sila nun eh. Kay bata-bata pa! Tss!"
Naglalakad ako papunta sa paaralan ni Daehan. Siya ang anak kong lalaki. Pinatawag kasi ako ng teacher dahil nakikipag-away daw si Daehan sa kaklasi niya.
"Ms. Cadiz, pangatlong beses ng napatawag dito ang anak mo dahil nakikipag-suntukan na naman sa kaklasi niya. Pinatawag po namin kayo dito kasi--- nais pong ipa-expel ng 1 week si Daehan ng principal. Eh--- alam ko namang mabait yang batang yan. Ano po bang pinagdadaanan ng bata at bakit nakakaganyan ang performance niya sa school?" Natahimik ako sa tinanong ni guidance in-charge.
"Sorry po ma'am! Ako na pong bahala kay Daehan, pasensya na po talaga. Pipirmahan ko po yung 1 week na expel ng anak ko. Baka kailangan lang po ni Daehan ng panahon at oras. Wag po kayong mag-alala ma'am, pagkabalik ng pagkabalik ni Daehan dito babalik na po ang dating siya. Pasensya po talaga ulit!" Paulit-ulit akong yumuyuko. Naiiyak ako at ayaw kong makita ni ma'am yun.
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...