Skip this if you don't want to read nakakatindig balahibong pangyayari.
"Mark! Girlfriend ako ng kaibigan mo! Kaya, tigilan mo na ang pangliligaw mo saakin. Ilang beses ko ba kasing dapat sabihin sa iyo na mahal ko nga ang kaibigan mo. Can't you consider it?" Seryoso akong nakatingin kay Tara na ilang beses na akong binusted.
Hindi maipinta ang pagmumukha ko at alam ko sa sarili ko na kahit anong oras, pwedeng-pwede na akong pumatay ng tao.
"Tara, sa ayaw mo o sa gusto magiging akin ka! Akin ka naman talaga eh, inagaw ka lang ni Lance saakin. At hinding-hindi ko yun matatanggap!"
"Mark! Ano ba, tama na. Yung nangyari saatin, wala na yun! Wala na tayo. At mahal ko si Lance. At ni minsan hindi naman niya ako inagaw sayo. Walang inaagaw si Lance sayo. Dahil wala na naman tayo eh! Tama na, Mark! Sinasaktan mo lang ang sarili mo ng paulit-ulit." Hinigit ko ng mahigpit ang braso niya at alam kong nasasaktan siya sa ginawa ko. At wala along paki-alam.
"Ahh~ ano ba Mark, nasasaktan ako! Ahh~ bitawan mo akoo~" mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahigit ko sa kanya.
"Akin ka lang, Tara. Akin ka lang, at kung sino manghahadlang, papaslangin ko. Tandaan mo yan!" Matigas kong sambit. Saka ko siya tinulak at tumalikod. Wala akong paki-alam kung nasugatan man siya dahil sa kagagawan ko. Kung hindi siya mapapasakin, din walang makikinabang sa kanya.
Kahit kaibigan ko pa si Lance, kayang-kaya kong wakasan ang buhay niya para lang sa ikatatahimik ng kaluluwa ko. Magagawa ko.
Tsok! Tsok! Tsok!
Ilang beses kong tinarget ng dart ang mukha ni Tara at ni Lance.
"Segi pa, Lance!" Napatingin ako sa katabi ko, "Gusto mo bang tutuhanin yang ginagawa mo? Ba't di mo kaya patayin yang dalawa para magsama na sila sa empyerno."
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
KurzgeschichtenHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...