"Nood tayo basketball!" Hindi naman masaya yan e and watching basketball isn't my type. Amboring kaya nun.
"Sige na, kaysa naman magmokmok ka dito sa bahay mo! Ikaw lang mag-isa dito, di ka ba nabo-bore? Lagi ka na lang nakahilata sa kama mo, swero na lang e parang na-admit ka na!"
"Tsk! Mabuti na rin yun, kaysa naman sumama sa'yo no!" She sliced my neck using her hand. Namamatok pa!
"Tara na! Maglalaro boyfriend ko, mga barkada't pinsan niya. Wala akong kasama sa bleachers. Tara! Magbihis ka na pwede? Antagal mong kumilos e. Parang may choice ka naman e kakaladkarin din naman kita kung di ka talaga sasama!"
Naitulak niya na ako papasok ng kwarto ko. Tsk! Nagbihis na lang ako dahil gaya ng sabi niya, wala naman talaga akong choice kundi samahan siya.
"Di ka pa ba tapos diyan? Baka natulog ka na!"
"Ito naman ang atat! Aish! Tara na nga!"
Nilakad lang namin ang basketball court, malapit lang naman. The lady beside me brought towels and tumblers. Psh! Napakasuportib naman.
Like any other basketball play, it's boring. Yung katabi ko namang bruha halos pumutok na ang ugat at luluwa na ang mata sa subrang lakas ng tili.
Aish! With all those running, passing, dribbling at shooting? Amboring talaga. I just sigh and yawn the entire game.
And for that, they won. Hindi ko man lang alam kung ano ang nangyari. At dahil nga supportive ang bruha, agad siyang tumakbo at pinahiran ang pawis ng boyfriend niyang pagod na pagod. Naka-upo lang ako at pinagmamasdan sila.
My eyes suddenly locked up on that kind-looking man na sa tingin ko'y andami-daming fans. Teammates ata to sa boyfriend ng kaibigan ko, nalaman ko dahil sa uniform.
Iniwas ko agad ang tingin ko nung tignan ako ng lalaking tinititigan ko kanina. Muntik na ako doon ah!
An unfamiliar feeling took place nang nakita ko sa peripheral vision ko na naglalakad ang lalaki papunta sa direksyon ko at hindi lang yun, tumabi rin siyang na upon sa akin.
Tila may sandok na naghahalo sa loob ng tiyan ko. Wah, he doesn't smell bad kahit na ang pawis niya. How can this be possible? O baka naman barado lang talaga ang ilong ko?
"Hi, balita ko-- kaibigan ka ni Lou?" He started the conversation after he sips his water. Yung boses niya malumanay at hindi barako. Wahh!
"Y-yeah." my short reply. He has good looks kaya na a-awkward ako sa kanya.
"Pinsan ako ng boyfriend ni Lou. I'm Lennon, Lee na lang." He offered me a handshake and I accepted it -- without looking at him.
Ang lambot pa ng kamay, waahh!
"It's Jammy, Jam na lang." Again, hindi ako tumitingin sa kanya.
I stood up after that kasi hindi ko na kinakaya ang awkwardness. Maglalakad na sana ako but Lee grabbed my arms kaya nawalan ako ng balance. Akala ko tuluyan na akong mahuhulog sa bleacher, mabagok ang ulo't mamamatay. Pero hindi yun ang nangyari.
My entire body weight were against him. Nagulat ako dahil sa katawan niya ako lumanding.
He was smiling so wide kaya nataranta ako.
Ba't ang gwapo?! Nyetang 'to!
Napatigil ako nang may maramdaman akong umbok sa dibdib niya.
"A-aray, dede ko yan--" Watdapak!?
"Tomboy ka!?"
"Ahh hihihihi--" Watdapak!

BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...