"Mayci, breakfast ka muna!" Nilapag ni Marcus and pagkain sa table ko, saglit akong napahinto peru tinuloy ko parin yung pagbabasa ko ng case report.
Si Marcus ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Grandma sa lahat ng tauhan niya at nung namatay si Grandma napunta na siya saakin.
"Wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay, Marcus!"
"Segi na! Bawal magkasakit si Madame boss at mas lalong bawal siyang mamayat. Malaking company ang pas.an niya, kailangan niyang maging malusog!" Napa-iling nalang ako sa mga sinasabi niya. Ayaw kong nagkakaganito siya, nagmumukha siyang tanga.
"Marcus, utang na loob umalis ka na. Wala akong panahon sa mga kalokohan mo!"
"Nako! Kailan pa naging kalokohan ang pagkain? Segi na, Madame boss, wag paghintayin ang pagkain, magtatampo to." Why is this guy acting so weird, today? Hindi naman siya ganito usually.
Padabog kong sinarado ang case report at tinignan ko siya na nakatayo sa harap ko. Ngumiti naman ito, yung ngiting bungis-ngis.
"Seriously, Marcus. What's up with you? Ngayon mo lang ata ako pinilit ng ganito." Umupo pa talaga siya sa harap ko at pinagbububuksan ang mga supot ng pagkain na pinamili niya.
"Sayang ang binayad ko dito kung di natin kakainin."
"Sino naman kasing nagsabi sayo na bilhin mo ang mga to?"
"Hehehehe." At talagang 'hehehehe' pa ang tawa niya. Wait--- nagpapa-cute ba siya saakin? Tsk! It's not working. Peru para sa ikatatahimik niya, kumain nalang ako.
Habang kumakain kami, hahawakan na sana niya yung gilid ng labi ko peru-- Pak! Mabilis pa sa alas kwatro kong napalo ang kamay niya.
"May--- May ano -- Dumi ka kasi dito--" sabay turo niya yung gilid ng bibig niya, peru nakatingin siya sa labi ko.
"Tsk! Alam ko!" Kumuha ako ng tissue at pinahid yun. Tinuloy ko nalang ang pagkain. Nakatingin na naman siya sa mga mata ko at mukha siyang nadismaya. Ano na naman bang nakain ng lalaking to ngayon?
"Mayc---"
"Oh, ano na naman? Seguraduhin mo lang na may kwenta yang sasabihin mo dahil baka-- masipa na kita palabas ng opisina ko!" Napalunok na naman siya pagkatapos nun.
"Alam mo ba dati--- ang puso ko ay mura lang. Peru nang makilala kita, ito ay--- nagmahal na." Napatigil ako sa kinakain ko. Bumabanat ba siya? Tsk! Hindi bagay sa kanya.
"Lalabas ka ba ng opisina ko o kakaladkarin kita para mawala ka na sa paningin ko?" Mahinahon kong sabi. Nagulat naman ako nang tumayo siya at pinadjak yung paa niya.
"Badtrip!" Nanlaki ulit mata ko, "Ano bang problema ng hangin? At hindi ka matangay-tangay papunta saakin!"-----
"Ano ba kasing pambura gamit mo? Hindi kasi kita mabura-bura sa isip ko."
"MARCUS! LABAS!" Nanggigigil kong sigaw. Babatuhin ko na sana siya ng kutsara ngunit nagsalita na naman siya.
"Di mo na kailangan yan,---- titig mo palang ako nay tinatamaan." Binato ko na siya, buti nga ay nagawa pa niyang umilag.
"Hindi ka talaga aalis!?"
"Segi na, segi na! Aalis na ako, baka di pa ako makapagpigil at---- iuwi na kita sa bahay ko!" Napapa-irap nalang ako. Pakiramdam ko tuloy, ibang tao yung kakapasok lang sa opisina ko. Lumabas na naman siya at kinidhatan pa talaga ako. Nagsisimula na akong mabwesit sa kanya.
Dahil hindi naman talaga ganun si Marcus kapag ako ang kinakausap niya.
Batid kong---- may nakain talaga yung hindi maganda kaya nagkakaganun.
Aish! (Face palm)
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...