Haluhh! Pang-horror yung title! Guess what? Horror toooo! Awoooo! Hindi, seryoso na kasi!
Base to sa true story, kinakabahan ako! Medyo nakakatakot kasi yung school namin. Kaya gagawan ko to ng scene!
Without further ado, let's get ride into this!
Naglalakad kami paakyat sa Basic Education Department kasama boyfriend ko, tawag kasi ako ng head. Since ako naman ang SSG president, kailangan daw akong maka-usap ng head!
Actually, pauwi na kami ng boyfriend ko. Peru yun nga pinatawag ako kaya nagpasama nalang ako!
"Brod, dito ka nalang sa labas mag-antay!" Tumango naman siya. Bakit ang putla ng boyfriend ko ngayon? May sakit kaya to?
Pumasok na naman ako sa office. Saglit lang naman seguro ang pag-uusapan namin ng head.
"Tane, next week na ang sports fest ng school! You need to have a meeting among the SSG members. Magpapatry out kayo this weekend!" Sabi nung head saakin.
"Actually sir, napag-usapan na namin yan! And we already assigned someone sa mga designs ang everything! All set na sir, try out nalang ang kulang para sa list ng mga players!"
"Good! So, yun lang Tane! It's great to know you are doing your job as the SSG president! Sge, maari ka ng umuwi." Ngumiti naman ako saka nag-goodbye sa head!
Lumabas ako ng office tas wala na ang boyfriend ko sa labas.
"Nasaan kaya yun?" May narinig naman akong nagflush sa cr ng boys. Ahhh, nagcr pala!
Nag-antay ako sa harap ng pinto. Peru nagtaka ako kung bakit ang tagal namang lumabas ni Tim, akala ko ba nagflush na yun?
Katok! Katok!
"Brod!" Katok! Katok!
Gumalaw naman ang doorknob kaya umatras ako ng kaunti, akala ko lalabas na siya ngunit bakit wala pa?!
"Tane, anong ginagawa mo dito?" Napalingon naman ako sa likod ko. Si June pala, kabarkada ni Tim.
"Ahh! Kasi, inaantay ko si Tim sa loob! NagCR pa kasi. Sabay na kaming uuwi!"
"Si Tim, teka kanina pa yun nasa baba ah! Nakita ko siya sa baba, sa may labby. Nag-aantay daw yun sayo!" Napakunot ang noo ko! Bumaba si Tim? Sabi niya dito lang daw siya sa labas mag-aantay! "Saka, bakit ka nakaharap sa cr ng mga lalaki?"
Binalik ko naman ang tingin ko sa cr, ngayong nakabukas na ito.
"June, may nakita ka bang lumabas dito?" Tanong ko.
"Nakabukas na yan, nagtaka nga ako bakit kumakatok ka! Tinatakot mo ba ako?" Shyt! Ano yung kanina?
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...