Part 79 of 79. 😱😊😂
Umabot ba kayo hanggang dito?
O, kayo na'y lumisan at ako'y iniwan?
Chaaaarrr. Hahahahah. Guysss, kung umabot man kayo dito, please support my second book, "I love you, boss!" Try niyo lang basahin baka magustuhan niyo. Completed na po siya under star cinema kamakailan lang. LOL! Chaaaar ulit.
UPDATE KA NG UPDATE!
UPDATE KA NG UPDATE!
UPDATE KA NG UPDATE!Gusto ko eh. Anong nagagawa mo?
Magsisimula na naman ako! Boring eh! Gusto ko lang na may pagkaka-abalahan.
Habang nasa-PE kami, may mga kalalakihan din na hindi galing sa college namin na naglalaro sa loob ng gym. Gamit nila ang buong basketball court at kami nasa gilid na nga lang. At sa pagkaka-alam ko, sa College of Engineering ang mga ito.
Halos 15 minutes na ang naconsume sa oras namin, sila hindi pa tapos. Kaya ito kami ngayon naka-tambay at nag-aantay kung kailangan sila matatapos.
"Ang tagal naman niyan. Baka ang ending 6 na tayo makaka-uwi. Kailangan ko pa namang mag-aral sa mga quizzes bukas. Aish!" Reklamo ko doon sa classmate ko na kaharap siya ko. Sumimangot din ang mukha niya.
Sabi din kasi ng Prof. namin ay mag-antay nalang daw kami kung kailan sila matatapos. Tsk!
"Ahhh!" Nadapa ako sa lakas ba naman ng pagkaka-headshot ko. Sapol na sapol sa likod ng ulo ko yung bola eh.
"SINO YUN?!" Galit na sigaw ko sabay lingon sa mga kalalakihang naglalaro. May tumatakbong lalaki papunta saakin.
"Miss, sorry." Sambit niya peru pinagtatawanan na ako ng mga kalaro niya sa loob ng court. Tsk! Tutulungan pa niya sana akong tumayo peru tinabig ko ang kamay niya.
"Kaya ko." Walang ganang sambit ko sabay tayo at pagpag sa jogging pants ko. Nilingon ko rin yung mga kaklasi ko't sila ring pinagtatawanan ako. Tsk!
Ako pa yung napahiya sa kagagawan ng mga kumag na to.
"Bakit ba kayo naglalaro dito? I mean, schedule ng klasi namin kanina pang 3 at ninanakaw niyo yung oras namin. Para saan ba't naglalaro kayo?" Mahina peru nanggigigil na ani ko.
Sheyt! Parang naalog ulo ko. Paano nalang yung mga quizzes bukas? Aish! Nahilo tuloy ako ng kunti.
"M-miss--- m-may --- may dugo yung ilong --- mo." Napakunot ang noo ko at hinawakan ang ilalim ng ilong ko.
Sheyt! Dugo nga!
Parang pinumpywang ang puso ko nang makita ko ang kulay pulang likido na kumapit sa kamay ko.
Agad niyang inabot yung panyo niya saakin peru kinuha ko yung sariling panyo ko sa bulsa at tinakpan ang ilong ko. Kaya naiwang nakalutang ang kamay niya sa ere.
Napapahiyang binaba niya naman iyun.
"Miss, baka kailangan mong pumunta sa clinic?" Nag-aalalang tugon niya. Dapat lang siyang mag-alala dahil kapag naging bobo ako'y kasalanan niya talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/107214638-288-k805357.jpg)
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Historia CortaHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...