"Maggy! Sa'n ka na naman ba galing? Kanina pa ako nag-aantay sayo. Bakit ka ba naglalakwatsya? Alam mo namang parehong wala sina mama't papa dito. Pinag-alala mo naman ako nang husto e!" Pilit na mahinang sabi ko kahit subrang nag-aalala na ako.Ngumiti lang siya't tinapik ang balikat ko, "--shori-shori my shishter-- aakyat na ako sha kwarto. Mashyadong mashakit ang ulo ko." Aish!
"Amoy alak ka na naman! Gabi-gabi ka nalang gumigimik ah! Aish!"
"He. He. He. He, I lab you sissy-- aakyat na ako ha. Bye~~" Pinagmasdan ko siyang pagewang-gewang na naglalakad paakyat ng kwarto.
Kahit naman nasa tamang edad na kami ng kambal ko, hindi pa rin kami pwedeng mag-iiinom. Aish! Itong si Maggy naman kasi.
Identical kaming dalawa at kung pareho kaming mga walang saplot ay talagang magkapareho't magkamukha kami.Hugis ng mukha't katawan, laki ng dede, umbok ng pwet, maski boses.
Makikita lang ang pagkakaiba namin kapag nagsuot kami ng damit. Bad girl at sexy manamit si Maggy, habang ako--- weird. Malalaking t-shirts at pang-'manang' na saya, nakasalamin din ako kaya't madaling makikilala na ako si Babby at siya si Maggy.
Pareho kaming nag-aaral sa isang University sa Iligan at apartment ang inuupahan namin, hindi lang isang kwarto kundi isang bahay mismo.
Pumasok ako sa kwarto ni Maggy at napada na siyang humihilik sa kama niya. Tsk! Hindi man lang naligo't nagbihis.
Isasarado ko na sana ang pinto nang aksidente kong natabig ang isang malaking box, nahulog ito't nagsilabasan ang ------ NAPAKARAMING BRIEF?! (O_o)?? WTF!
Gusto kong sumigaw sa subrang pagkagulat pero pinigilan ko lang. Nandidiri ko na lang na binabalik sa box lahat ng brief na nagkalat. BISKWIT! NA. KA. KA. DI. RI!
Kinabukasan, ready na akong pumasok. Hindi ko na ginising si Maggy para tanungin kung anong ginagawa ng sangkatutak na brief sa kwarto niya. 7:30 ang pasok ko't 9 am pa ang sa kanya kaya't hinayaan ko na lang siyang mahimbing pang humihilik sa higaan niya.
Nasa overpass na ako nang may humigit sa braso ko. Ang nakapagtataka, hindi ko siya kilala. Isang lalaking mukhang chick-boy na kung manamit baduy. Psh!
Natatawa niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. "Unbelievable! Kahit pa man nagtatago ka ngayon sa loob ng malaking t-shirt na yan, pang-'manang' na saya at salamin sa mata, makikilala kita! Iba ka rin e no? Santanas sa gabi, birhen sa umaga?! HA. HA. HA." naikunot ko na ang noo ko.
"Excuse me po, pero hindi kita kilala---"
"At nagmamaang-maangan ka ngayon? Hindi talaga ako makapaniwala! Hoy! --" ibinuka niya ang kamay niya sa harap ko at napatingin ako doon, "Akin na, may ninakaw ka sa akin kagabi, kaya akin na!" Kinunutan ko siya ng noo.
"Mawalang-galang na ho, pero hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ho ako magnanakaw, kaya naman wala akong ninakaw sayo. Kaya pwede ba, bitawan niyo na ho ako dahil huling-huli na ho ako sa klasi ko! Aish!" mas humigpit pa tuloy ang hawak niya sa braso ko. Ano ba'ng problema ng baliw na 'to?
"Pwede ba! Subrang late na rin ako, kaya akin na yung ninakaw mo para matapos na tayo dito!"
"Ano ba 'yang sinasabi mo?!" Nakakapikon na talaga.
"Yung-- yung-- yung--" panay guhit niya sa hangin, panay turo niya sa pantalon niya, nauutal siya't 'di niya masabi-sabi yung gusto niyang sabihin. Aish! This dude is wasting my time.
"Ano nga?!"
"Yung-- yung 'brief' ko!" Nanlaki ang mata ko. "Alam kong kinuha mo yun pagkatapos nating magsaya kagabi. Alam ko 'yang mudos mo, nangongolekta ka ng brief ng mga lalaking naikama mo para souvenir! Alam mo, wala naman akong problema doon e, wag lang yung brief na iyon, antique yun e, galing pa yun sa mga kaninu-ninuno ko. Swerte yung brief na iyon kapag gusto kong maglaro sa kama. Madami akong brief sa bahay, bibigyan nalang kita basta isauli mo lang yung isang yun! Antique yun at ipapamana ko pa yun sa magiging anak kong lalaki. Kaya, akin na hangga't mabait pa ako sayo!"
Gustong sumabog ng tenga ko dahil sa mga kabastusang sinasabi niya. Ako ang nahihiya sa kanya. Sa lakas ba naman ng boses, pinagtatawanan na kami ng ibang mga nagdadaanang estudyante.
Aish!
Nakakahiya talaga siya.
"Ano ba! Tumahimik ka nga, masyado kang nakakahiya. Ano ba yang pinagsasasabi mo?"
"Ahhh~~" Saka lang lumabas sa utak ko yung isang libong brief sa loob ng box sa kwarto ni Maggy. WTF! (O_o)?? Napapikit na lang ako. Langya! Ba't ba siya nangongolekta ng brief?!
"Ah-- ka-kasi---"
"Oh! Diba? Naaalala mo na ang ninakaw mo? Sa'n ba ang bahay niyo't ihahatid kita para maisauli mo sa'kin yun?"
"Hin-- hindi naman kasi ako yun."
"Ano?! Magmamaang-maangan ka na naman ba?"
"Y-yung nakilala mo kagabi kako, hindi ako yun--- kakambal ko." bakas din sa mukha niya ang pagkagulat nang marinig ang sinabi ko.
"B-b-ba't d-di mo naman-- sinabi a-agad--"
-MissYJMWrites
![](https://img.wattpad.com/cover/107214638-288-k805357.jpg)
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
NouvellesHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...