Babala: Medyo waley siya kaya don't expect to much.. Hahahahaha. Nakuha ko ito sa isang storing sinusulat ko.
"Ghaile! May fish joke ako!" napatingin naman kaagad ako kay Woreen habang subo-subo yung kutsara ko sa bibig, sabay kunot ng noo ko.
Dinala naman niya ang mini sofa ko palapit sa kama para malapit kuno siya saakin. At dahilan iyun para mapa-atras ako ng bahagya.
"Anong fish ang hugis star?" muntik na akong mabulunan sa tanong niya. Kahit ata bobo makakasagot niyan. Nagpapatawa ba siya? Oo nga diba, fish joke nga Ghaile, diba.
"Ghaile, bilis na! Anon fish ang hugis Star?" pag-uulit pa niya. PSH! Woreen it's too obvious, nagtatanong ka pa nga lang, katawa na ako.
"PSH! Shempri STARFISH! Ano pa ba isda ang hugis star? Kahit libutin mo pa ang buong pacific ocean, starfish lang ang isang hugis star! Pinaglololoko mo ba ako?" medyo nairita ako sa kanya ngayon. Wala naman siyang ibang purpose sa life ko.
"Hala! Paano mo nalaman yun?!" muntik ko ng mabuga ang tubig na iniinum ko. Tsk! Tinanong pa talaga niya kung paano ko nalaman yun!
"Ito Ghaile, promise matatawa kana dito!" nakatingin ulit ako sa kanya at iniintay ang susunod niyang sasabihin.
"Anong fish ang kulay......................GOLD? HAHAHAHAH"
Seryoso na akong nakatingin sa kanya habang nginunguya ang pagkaing kinakain ko. Hindi ko alam kung Joke ba talaga ang tawag sa pinagsasasabi niya.
At tumatawa pa talaga siya na pilit mong iniintindi kung saang banda nakakatawa doon sinabi niya. Pinaikot ko nalang ang mata ko at ibinaling ulit ang atensyon ko sa pagkain
"Oh! Di mo alam, Edi....... GOLDFISH! NWAHAHAHAHA!" at ayun, hawak-hawak na niya ang tiyan niya kakatawa. Seriously! Kung masasabi ninyung baka wala lang talaga akong sense of humor, Woreen naman walang common sense! Tsk!
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakahiga na talaga siya sa sahig kakatawa. Naiintindihan ko naman siya eh! He's trying to support he's own joke! Tsk!
"Hahahahaha! Diba, Ghaile Nakakatawa! Haha! Ito pa isa pa" ani nito at bumalik sa pagkakaupo. Padabog ko namang nilagay sa table tray yung kutsara ko.
"Pwede ba, Tumahimik ka na, Woreen" sabi ko.
"Ghaile, last na talaga to! Save the best for last. Super nakakatawa to promise!" halata sa mukha niya na nagpipigil siya nang tawa dahil halos lumubo na yung mukha niya at subrang pula.
Inikutan ko nalang siya ng mata. Nasaan naba yung earphones ko? Aish!
"Ghaile, Ghaile! Listen, anong fish ang nangangain ng tao?" kahit nagpapaggap ako na hindi ko siya pinapansin, kumunot parin ang noo ko dahil iniisip ko rin kung ano ngang fish ang nangangain ng tao..
Piranha ba?
"Oh! Hahahahahhaha di mo alam, EDI.........................SHARK"
Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Napatingin nalang ako sa kanya habang tumatawa siya. Maybe, I need to research kung nasaan yung joke doon. Kasi lahat ng sinabi niya LITERALLY AY TOTOO! SO PAANO NAGING JOKE YUN?.
Kung nababaliw na pala ito, eh wag niya akong madamay-damay.
Until next update!!! And peace out!
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...