Another UD.
"Babe, bukas na pala debut ko. Wag kang mawawala doon ah, ikaw yung last dance ko!" sabi ko kay Derik habang niyayakap niya ako.
"Shempri naman babe. Hindi pwedeng iba. Pangako, isasayaw kita sa harap ng maraming tao! Para din makita nila kung gaano ka gwapo yung boyfriend mo." napangiti naman ako sa sagot niya.
"Promise ah! Sinabihan ko na kasi sila mommy na ikaw rin yung magiging escort ko! Alam mo, babe. Iniisip ko, 18 na ako bukas. At gusto ko ng magpakasal. Ano sa tingin mo?"
Hindi naman siya nakasagot peru hinalikan niya yung noo ko.
"At gusto ko makasal ka saakin. Alam mo bukas seguradong ikaw yung pinakamagandang babae doon!" umayos naman ako ng upo.
"Basta babe. Bukas ah! Hindi ko tatanggapin ang mga valid2 reason na yan kung sakaling hindi na makakapunta. Alam kong busy kang tao peru please for my birthday! Alam ko rin na hindi mo ako bibiguin."
"I promise, babe. Cross my heart!" then he kissed me again.
I felt love. Ang sarap magmahal ni Derik. And i know, he's the man i will spend my whole life with. No doubts, no regrets. Siya na talaga.
"Bea! Magsisimula na ang program, wala pa ba si Derik?" naiiyak na ako habang nag-aantay sa entrance ng venue.
"Please, mmy! Wag muna kayong magsimula. Let's just wait, give me 5 minutes mmy please! Na traffic lang yun! Dadating din yun maya-maya"
I am not going to loss my patience, not this very evening. Nangako ka Derik, nangako ka saakin. Please tuparin mo yung pangako mo. Please wag mong sabihing may appointment ka na naman.
"Bea! Nandito si Brian, siya nalang muna ang magiging escort mo. Sweety, tara na pumasok na tayo. I'll promise you, si Derik parin ang magiging last dance mo. And i believed na makakaabot siya sa 18 roses mo. Kaya let's go, sweety" wala na akong magagawa nang kaladkarin ako ni mommy papasok ng venue.
Tinawag na din yung debutant kaya no choice na ako. Naglakad na ako sa aisle kasama si Brian habang nagpapalakpakan ang mga tao sa paligid.
I don't want to think negative things at this very moment. Iniisip ko, na makakaabot si Derik sa 18 roses ko. At siya ang magiging huling magsasayaw saakin sa center space. Pangako niya ang pinanghahawakan ko.
Natapos ang 18 roses ko, 18 candles. Peru walang Derik akong nakita. Naiiyak na ako, i thought this will be the happiest birthday of my life dahil makakasama ko ang mahal ko.
Ngayon, wala na akong buhay na nakaupo sa may table. ALONE. Hindi sila lumalapit saakin, even si mommy kasi alam niya na im upset.
Tumulo na yung luha ko, alam kong masisira nito ng make-up ko peru wala na akong paki-alam.
Then naramdaman ko nalang ng may biglang pumunas ng luhang iyun na nanggaling sa mga mata ko. Napatingala naman ko.
"Im so sorry, nalate ako babe! Can you dance with me?" napangiti naman ulit ako ng makita si Derik. Oo, si Derik nga. He came.
Dinala niya ako sa center space.
Sinabit ko yung dalawang kamay ko sa balikat niya habang siya hawak-hawak ang bewang ko.
"You're so beautiful!" napangiti ako sa sinabi niya.
"Akala ko di kana makakarating? Bakit ka ba nalate ha?"
"Sorry, babe. May aksidente lang kasi doon sa nadaanan ko!" nagpanic naman kaagad ako sa sinabi niya.
"What! Ano, o-okay kalang ba? Hindi ka ba nasugatan?"
"Hahahaha, your funny babe" niyakap ko nalang siya.
"Im glad your okay" i sigh in relief.
Kita ko naman na tinitignan na ako ng mga taong nasa paligid. At nagbubulong-bulongan ang mga ito. Pinikit ko nalang ang mata ko.
"Sweety!" namulat ko naman kaagad ang mga mata ko nang marinig ang boses ni mommy na ngayon ay nasa harapan ko na pala.
Hinawakan naman ni mommy ang kamay ko kaya napabitaw ako kay Derik. Naglakad kami ng tatlong hakbang. Nilingon ko si Derik, at napangiti ako nang nakangiti ito.
"Bea, sweety! I have bad news" kumunot naman ang noo ko but didn't bother to give a reply.
"May tumawag sa mommy ni Derik na pulis. Bea, wala na si Derik. Naaksidente siya anak habang nagmamaneho siya papunta dito. Im so sorry sweety!" kumunot agad ang noo ko.
"Mmy, wag naman ho kayong magjoke ng ganyan. Eh nandoo....." napalingon ako kung saan ko iniwan si Derik. Peru wala na siya doon.
"Bea anak. Im so sorry! Hindi na siya nakaabot sa ospital. Wala na siya anak!"
"Mmy! Nagsasayaw lang kami kanina mmy! Wag ka naman hong magbiro ng ganyan. It's my birthday mmy. It's my birthday. Mmyy. Deriiiiiiik! Deerrikkk!"
Lumuhod na ako, but still hindi parin maprocess sa utak ko yung mga nangyayari.
Niyayakap ako. May yumayakap saakin at bumulong ito.
"I fulfill my promise, babe! Na isasayaw kita sa harap nila. Sorry dahil hindi ako nag-ingat. I love you forever, babe!" tas hinalikan niya ako sa pisngi.
Humagulhol na ako ng iyak.
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...