"Ikaw po ba ang guardian?" simpleng tango lang ang naisagot ko sa doctor na umaasikaso sa papa ko. "You need to fill this out--" sabay lahad niya sa akin ng form, "Kailangan namin ang buong impormasyon ng patient. Ka-ano-ano ka ba niya?"
"A-anak po."
"Wala ka bang ibang kasama? Nasaan ang mama mo?"
"M-Matagal na po silang h-hiwalay ng papa ko."
"Oh, s-sorry. But anyways, kailangan matapos mo ito bago kayo mabigyan ng kwarto. Tulong kasi ito para lalabas kayo ng hospital na wala kayong babayaran."
"G-Ganun po ba? Ma-maraming salamat po."
"O siya sige't fill out-tan mo na." Ginawa ko ang sinabi ng doctor sa akin. Kasalukuyan kaming nasa emergency room ngayon at nakaswero na si papa, tulog kasi ito. Ang dami kong tinakbong offices bago kami nabigyan ng kwarto, gumagabi na rin.
Sinugod ang papa ko sa hospital, mild stroke, patay ang kaliwang bahagi ng katawan, hindi naigagalaw ang bibig, kamay at paa.
Nasa public hospital lang kasi kami kaya't may tigli-limang pasyente ang bawat kwarto. Hindi gaanong malaki, hindi rin naman masyadong masikip, sakto lang.
Tinawagan ko na yung kapatid ni papa, tita ko na dal'an ako ng mga gamit dito.
Napakahirap, iisa lang akong anak nila e. Buti sana kung may kapatid pa akong isa e para naman may makakasama ako dito sa pagbabantay.
Hindi gaanong malaki ang kama, iisang tao lang talaga ang kakasya pero, may mga bed din naman na silang nilaan para sa mga magbabantay, hindi nga lang ganoon ka komportable kung hihigaan, pero ayos na rin.
Natutulog pa rin si papa nang makarating ang tita ko, kapatid ni papa.
"Coco? Sigurado ka bang okay ka lang dito?" anang tita ko.
"Hmm~ bisitahin niyo na lang ako kapag may oras kayo. Hindi naman masyadong magalaw si papa kaya okay lang."
"O sige. Aalis na rin ako ah, may duty pa kasi ako e." Nagpasalamat nalang ako saka tumango. Pinanood ko pa siyang umalis saka ako umupo sa maliit na higaan ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, malinis naman, puti yung pintura, kulay asul yung mga bed at tatlong pasyente lang ang nandidito, lahat sila matatanda na.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit nang may bagong pasyente 'ata na papasok sa kwarto at patungo sila ngayon sa katabing kama ni papa, wala kasing laman yun. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa guardian nito.
Medyo may kakapalan ang kilay ngunit pormadong-pormado, halatang matangos ang ilong kahit naka-surgical mask, ang gwapo ng buhok. Waahh!
Okay na rin. Kakaibiganin ko 'to para hindi naman ako ma-bore dito. Papa niya rin 'ata yung na-admit. Tulog din kasi ang pasyente niya kaya nakaupo din siya sa maliit na kama na katabi ng papa niya. 3-4 meters lang 'ata ang layo namin.
Kunwari pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pag-aayos ng mga gamit. May maliit na cabinet kasi sa magkabilang kilid. Mga bags, damit, snacks, tubig at kung ano-ano pa ang pwedeng ilagay dito.
"Hmm--" first time kong marinig ang boses niya. Boses pa lang, gwapong-gwapo na ako. May kausap 'ata ito sa telepono, "Nandito ako sa hospital--- no, no need, wag ka nang sumunod. ---- for now, 'oo' ayaw kitang makita okay. ---- just-just don't come, okay? I'm better off alone.---- Tsk! Whatever!" nag-away 'ata sila ng kausap niya, padabog niya kasing binabaan ng telepono e.
Napa-iwas agad ako nang tingin dahil parang napansin niyang nakatingin ako sa kanya. "Yah?" Nanlaki ang mata ko. Ako ba ang tinatawag niya? Nagkunwari akong may ginagawa at hindi na lang siya pinansin. "Hoy? Tinatawag kita?"
Napakunot ang noo ko, "A-Ako b-ba?" tinuro ko pa ang sarili ko sabay tingin sa kaniya.
"Yes obviously."
I cleared my throat bago ulit sumagot. "B-Bakit?" Puman-de kwatro siya't pinagbuhol ang kamay, seryoso ring nakatingin sa akin.
Tinignan niya ang pasyente niya bago ibinalik sa akin ang tingin niya. "My 'ex' wife will come here kahit ayaw kong pumunta siya, gusto kong magpanggap kang girlfriend ko just to chase her away."
"What? Mawalang galang na po pero--- bakit ko naman po gagawin yun? Abir?"
"To chase her away?"
"What?"
"Look, magpapanggap ka lang naman at ngayon lang yun. I just don't want to see her at sigurado naman akong ayaw din siyang makita ng papa ko."
"A-Ano?! Bakit ako? Bakit ako magpanggap? Gagawin mo pa akong kabit mo?"
"Annulled na kami okay?"
"Tsk! No way. Kahit na. Isasama mo pa ako sa kasalanan mo no? Hindi naman kita kilala---"
"It's Yair. 22." sinabi ko bang dapat siyang magpakilala? Annoying naman pala 'to e. Hindi ko na nga lang 'to kakaibiganin, may asawa na pala't bawal na. Tsk! Sayang. "Oh? Kilala mo na ako. Hindi naman ganun ka-komplikado ang gagawin mo e, magpapanggap ka lang naman."
"'Lang naman'? Magpapanggap 'lang naman'? Stop me. Hahahaha. Wag mo na akong idamay diyan sa kalukuhan mo. Matampal pa ako niyang asawa mo e. Tsk!"
"Hindi ko na siya asawa. Kaya nga 'ex' wife diba? Tsk! I told her not to come pero alam kong pupunta pa rin yun. Just do me this favor."
"Tsk!" Tinapos ko na lang ang pag-aayos at hindi na siya pinansin pa.
Maya-maya pa ay may narinig akong yapak ng mga heels kasunod nun ang biglaang paghatak sa mga braso ko patayo. Si Yair.
"She's here. Just stay still. Okay?" bulong ni Yair. Inakbayan niya pa ako nang napakahigpit. Ginagawa niya na talaga.
May isang sexy na babae ang biglang pumasok sa ward, naka-peach dress at white heels, may dalang sosyaling bag at kahit nakasurgical mask siya---- medyo pamilyar siya sa akin.
"Yair---“ hindi niya natapos ang sana'y sasabihin niya dahil nakatingin na siya sa akin. Imbes na kaba ang dapat na maramdaman ko, nakaramdam ako ng ibang klasing pagtataka na hindi ko malaman.
Even her voice sounds familiar to me.
"Colein, umalis ka na. Nandito ang girlfriend ko." si Yair.
Colein?
Lumapit yung sexy'ng babae na iyon sa akin at parahas na hinablot ang surgical mask ko saka nanlaki ang mata niya.
"C-Coco? Coleen?!" Kumunot ang noo ko hanggang sa tinanggal din niya ang surgical mask niya.
"M-Mama?"
Yair's 'ex' wife---- is my mother?
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...