My roommate!

40 2 3
                                    

"Welcome to De Luna University Freshies! Welcome- Welcome!" Pagkapasok ko sa skwelahan ay yan agad ang tumambad saakin.

Nahihirapan din akong bitbitin lahat ng gamit ko for this semester. May sariling dormitory na kasi ang DLU para sa mga estudyante, yun nga lang dagdag bayarin yun.

Mabuti narin yun dahil talaga namang malayo-layo yung amin dito sa DLU.

May isang babaeng mukhang senior ang lumapit saakin. Nakangiti siya at may dala-dalang papel.

"You must be Agatha Domingo?" Aniya. Tango lang ang naging sagot ko. "I'm Margaret Sacubia, at ako ang inatasang magwelcome sayo dito sa University. I'm a 4th year college from this Department. Tara, I'll show you your dormitory building at yung magiging kwarto mo." Tinanguan ko ulit siya.

Saka ako sumunod sa kanya. Malaki ang DLU. Malaki pa kaysa doon sa dating naging paaralan ko.

"Dito ang girls dormitory. At sa bandang doon naman ang boys." Sabay turo niya doon sa medyo malayo. Nasa gilid lang naman ng building peru medyo malayo siya. "At ang room mo ay---- room--- 307." Binigay niya saakin ang room key at saka siya naglakad. Sumusunod lang ako sa kanya dahil sabay naming hinanap ang kwarto.

"Here! Single room ang kinuha mo nung enrollment kaya ito na. I'll give you 1 hour to prepare and then bumaba ka na after. Kailangan pa kitang i-tour sa DLU. Goodbye Agatha, see you in an hour!" Tumango ulit ako at pinasok sa key hole yung susi at tuluyan na akong nakapasok sa kwarto.

Nagulat lang ako ng makitang dalawang kama ang naroon sa loob at may babaeng mukhang kasing edad ko lang na naka-upo sa isang kama.

Akala ko ba single room?

"Hi!" Bati niya, tumango lang ako. "I'm Lila, what's your name?"

"Call me Agatha." Walang gana kong sagot at nilapag ang lahat ng gamit ko.

"It's weird, single room ang kinuha kong room. Tas pagpasok ko dalawa pala ang kama. Seguro okay na din yun Agatha no? Kasi matatakutin ako ehHehhehe." Daldal niya at tinanguan ko lang siya.

This is the reason why I don't like to have a roommate. Dinadaldal ako, maingay at walang peace of mind!

"Agatha! Seguro blockmates tayo. Hay, salamat naman at may kakilala na ako dito sa DLU. Ang hirap-hirap talagang mag-adjust kapag first day no? At freshmen palang tayo. Sana kasabay kita palagi kumain at gumawa ng assignments."

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon