My Angel and--Devil?

45 3 0
                                    

Deritso na tayo, tinatamad akong mag-introduction eh! Ay oo nga pala, sinong marunong kung paano magdedicate dito? Paturo naman ako oh, PM niyo nalang ako.. Hehehe Salamat in advance! Lablab!

Kung sino ka mang Good Samaritan ka, ikaw ang unang-una kong I dedicate. Hehehe.

Literally, I am with my guardian angel and guardian devil. A red little flying devil on my left, and a white little flying angel on my right. Sila yung mga bagay na mas lalong nagpapagulo sa bawat desicion ko.

Pati sa pagpili ko ng pagkain, ay nangingialam sila.

"Tania, choose healthy foods para sa snack mo. It will keep you from sickness! Ito oh, vegetable sandwich and healthy pineapple drink!" My angel.

"No Tania, minsan ka na nga lang kumakain ng junk foods eh. Yan nalang bilhin mo ngayon. Alam mo, mas masarap ang junk foods at guarantee na mas mae-enjoy mo pa sila. Believe me, hindi ka naman agad-agad magkakasakit diyan eh. And besides, our body needs salt!" My devil.

"Hoy, Red! Bakit ba nangingi-alam ka! Junkfoods are not good for Tania's health!"

"At boring naman ang vegetables mo, White! Nakakasuka! Bruhh~"

Pati sa mga kaaway ko.

"Tania, pabayaan mo nalang yang mga yan. Bahala na ang panginoon ang gagawa ng paraan para maparusahan sila. Ipray mo nalang yan!" My angel.

"Anong pabayaan?! No way, Tania! Lumaban ka, wag mong hahayaang bullihin ka lang ng mga yan. Yan ang purpose ng mga kamay at paa mo. Kick them, sipain mo sila, sampalin, fight them! Ipakita mo sa kanilang malakas at matapang ka! Wag mong hahayaang api-apihin ka lang nila!" My devil.

Pati sa mga studies ko.

"Tania, magstudy ka. Bukas na ang examination mo at paghindi ka nag-aral, baka wala kang maisagot niyan!" My angel.

"Tsk! Matalino ka naman Tania eh, kayang-kaya mo yang exam kahit hindi ka nag-review. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Tara Facebook tayo, baka nagmessage na sayo yung crush mo!"

Sa lahat ng bagay, lagi silang bumubulong sa magkabilang tenga ko. Minsan, naguguluhan ako lalo, imbis na tulungan nila akong magdesisyon eh!

Laging nag-aaway si Red at White. Nakakabingi pa naman ang mga away nila.

17 years nila akong ginagabayan, at most of the time si Red ang sinusunod ko kasi mas maganda ang bawat offer niya kaya umiiyak lagi si White. At dahil naguguilty naman ako, ginagawa ko rin naman ang gusto niya para hindi na siya umiiyak

Minsan nga binabalance ko lang para naman walang magtampo sa kanila. Like for example sa pagkain.

Sinasawsaw ko ang fish crackers sa yogurt. Sinasabawan ko ang salty green peas ng fresh milk. Sinasawsaw ko sa pineapple juice ang leavened bread. And all of it turned into a huge disaster sa sistema ko.

LBM!

And- ganyan talaga dito sa lugar namin. Lahat kami hindi lang ako ay may kanya-kanyang angels at devils na nakasunod palagi saamin. Peru kahit naman nandito sila, ikaw parin naman ang masusunod eh!

That explains, na each one of us. Merun tayong sari-sariling angel at devil sa mga sarili natin. But, its to us kung paano natin ide-deal ang mga yun.

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon