BA Fil course ko at ang tulang ito ay pawang katutuhanan lamang at batay sa aking mga karanasan.
Degraded mga estudyante dito,
Madami sanang matatalino,
Matalino in a sense na competitive sila?
Competitive in a sense na selfish sila?Ayaw kong may mag-away sa GC,
Nakaka-umay, kung sino-sino sinisisi,
Minsan ako'y nananahimik nalang,
Kaysa naman, masunog ko yung mga magagandang nilalang,Naaalala ko nung first week ko dito,
Nashookt ako, keso madaming hindi nagkakagusto,
Ako'y nagtaka kung bakit,
Dahil ba yun sa hitsura kong pangit?Hinuhusgahan, hindi pa nga ako kilala,
Ang sagot pa, "baka first impression lang yun, Shika."
Taeniyo! Ganun pala yun?
First impression? Galit ibinunton?Nang kinalaunay, nashookt ulit ako,
Hanggang GC ba naman, 'seen' ang mga siraulo?
Minsan lang nasasagutan ang mga tanong,
Dahil kadalasan, shhh lang, 'bahala kayo mga gonggong!'Paano ba namang hindi,
Kadalasan sa kanila, naka-'mute' yung GC,
Tae! Walang 'solidarity',
Nakakabanas! Maraming walang pake!Inaamin ko, minsan nagkakamali din ako,
Nung ako'y natuto, di na ulit ako nagre-reply kahit kanino,
Bahala kayo mamatay jan,
Ginagawa niyo din sa akin 'yan.Madaming na-discourage,
Ang iba'y nagshift na't lumipat ng ibang collage,
Sino ba namang matutuwa?
Ikaw lang din naman ang kawawa.Ngayo'y mga shiftees dumating,
Attitude ng mga BA Fil, nangangamoy mabahong pating,
Shiftee'y na-culture shock,
"Tae! Ibang klasing block!"Nakakalungkot at nakakadismaya,
Minsan ko na ding kinakahiya,
Ipinaglalaban ko pa naman ang course na ito,
Sa huli? Tsk! Ibang klasi B.A. Filipino,Tahimik lang ako sa isang dulo,
Nag-iisip kung sasali pa ako't makipagtalo,
Isa sa mga rason kung bakit gusto kong mag-shift?
BA Fil's attitude are full of sh*ts,Opss, sorry sa badword,
Sana'y wqag kayong ma-triggered,
Sinasabi ko lang ang laman ng aking damdamin,
Kaya sana'y basahin niyo at unawain,Hindi ako magaling gumawa ng tula,
Nilalabas ko ito't hindi ko ikinakahiya,
Kaya guys, wag tayong magmalinis,
Madami tayong mga 'attitude' na di din kanais-nais,Pinagdarasal ko pa rin na hindi sana ganito hanggang magforth year,
Nakakahiya naman, can we just grow up together?
Let's help one another,
And taste success, its sweetness and tender,Tae! 'Yoko na mag-ingles,
BA Fil ako, hindi hasa sa English,
Minsan proud ako sa block na 'to,
Minsan din kinamumuhian ko,Peru sana'y wag natin dalhin to hanggang dulo,
Umaasa pa rin ako na magbabago tayo,
Magtutulungan bilang isang pamilya,
Wag naman yung kanya-kanyaPeru di ko naman hawak ang buhay niyo,
Ang masusunod pa rin naman ang mga gusto niyo,
Gusto ko lang sabihin,
Tula ito guys, wag seryosohinKung triggered kayo, kayo na bahala,
Kung gayon ang galing ko palang sumulat ng tula?
Hanggang dito na lang po,
Sa wakas pwede na akong mag popo..
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Short StoryHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...