Today's update is inspired by: Seducing my Gay Boyfriend. (Sinong nakabasa? Ang cute, diba? Kinilig talaga ako kina Art at Diannara. 😅) Nabasa ko siya, matagal na yun.
Lately kasi, subrang attracted na ako sa mga bakla sa hindi ko malamang dahilan.. 😅😅 Nakakaloka! Promise! Walang halong biro. Ewan ko ba. Tinatanong ko nga sa mga kakilala ko kung normal pa ba ako. 😅 Sabi nila, oo daw. Normal pa daw ako kasi lalaki naman sila kahit pagbaliktad-balikatarin ko pa yung mundo.
Nakakaloka parin!
Akala ko, laro-laro lang yun. Kasi nilalaro ko lang nung una. Habang tumatagal, parang totoo na. Nakakatakot! Hahahahah.. Char lang! Peru kasi--- madami na namang instances na nagwa-gwapuhan ako sa mga bakla. Tas nasasayangan ako.
Yung sa sitwasyon ko, char-char lang talaga. (Baka kasi kapag nabasa nila to, sasabunutan ako ng mga iyun. Hahahha)
Hahahahah.. Nakakatawa naman! Segi, gagawan ko na.
"Nian, maganda ka pala no? Bakit di ka sumali sa mga beauty pageant?" Nagulat ako sa sinabi ng baklang to habang hinahawakan ang buhok ko.
"Sabi ko na nga ba may crush ka sakin eh!" Sigaw'ng biro ko sa kanya. Ngiwi lamang ang tanging naging reaksyon niya sa sinabi ko na may kasama pang pangdidiri.
Tsk! Baklang to talaga!
"Kilabutan ka nga!" Natawa naman ako sa sigaw niya na bahagya pang napalayo saakin..
"Tsk! Tignan mo nga height ko. Sa tingin mo makakapasa ako sa screening?! Eh, doon pa nga lang bagsak na ako eh! At bukod doon, hindi din ako matalino no! Paniguradong mapapahiya lang ako sa harap ng stage!" Ani ko.
"Tsk! Bahala ka!" Ngumiti naman ako at unti-unting lumalapit sa kanya. Ulit siyang napangiwi.
"Bet mo ko no?" Sabi ko may kasama pang kindat yun. Bakit ba? Gusto ko siyang asarin eh. Kahit pabakla-bakla tong si Jhaze gwapo to no. Sayang nga lang at gwapo din yung natitipuhan. Tsk!
Noon naman hindi ko siya inaasar ng ganito. Ngayon lang talaga dahil sa sinabi niyang maganda daw ako. Kahit aware na naman ako doon, pinaalala niya pa kasi. Yan tuloy! Hahahahah!
"Ewwww! Your face! Kung lalaki ka lang talaga ay---- tataluhin kita. Eh paano yan, parehas tayong vavae?" Maarte niya pang sabi. Natawa naman ako.
"Alam mo, Jhaze. NBSB ako! Malay mo, ikaw ang kauna-unahang maging boyfriend ko. Hehehehe!"
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Krótkie OpowiadaniaHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...
