'Paalam'

18 2 0
                                        

Naaalala ko pa ang mga araw,
Nung kinikilig ako kahit hindi ka naman nanliligaw,
Feeling ko special ako,
Kapag sa messenger nagcha-chat tayo

Naaalala ko pa ang mga panahon,
Excited ako sa iyong mga tugon,
Ang sarap mong kausap,
Ngunit, nawala lang sa isang iglap

Sabi ko na nga ba magfi-fade din,
Kaya wag na lang natin seryosohin,
Yung feelings ko na hanggang doon na lang,
Dahil sa ating dalawa'y walang namamagitan

Tama bang sabihin na 'paalam'?
Paalam, dahil wala na akong maramdaman?
Paalam, dahil tanggap ko na, na hanggang doon na lang?
Paalam, dahil pagkawala mo'y biglaan?

Kung babalik ka ba, tatanggapin pa rin kita?
Kung baka sakaling ulit sa aki'y mag-wave ka?
Dito 'ata talaga masusubok,
Kung gaano talaga ako karupok

Oo at 'paalam' nga ang dapat sabihin,
Paalam, dahil hanggang doon nalang ang aking pagtingin,
Paalam ngunit pwede naman tayong maging magkaibigan,
Paalam dahil siguro'y hanggang doon na lang

Paalam dahil nakakapagod umasa,
Paalam at salamat sa pang-madaliang saya,
Yung akala ko'y tuloy-tuloy na,
Sinanay mo pa ako, di naman pala

Paalam, mamimimiss kita,
Paalam, sana'y masaya ka na.

ARAY!

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon