My Roommate II

30 2 6
                                    

Pinabalik ako sa dorm ni Dean matapos ang pag-uusap na yun. Gusto niyang makita ang mga magulang ko para pag-usapan ang CCTV footage.

Ilang beses kong inulit kay Dean na hindi nga ako ang may gawa nun. At parang ang hirap-hirap para sa kanya na paniwalaan ako. Dahil kung ako nga talaga ang may gawa nun, sana wala na ako dito at tuluyan na akong umalis.

Ano namang motibo ko para gawin yun? Kay bago-bago ko pa ng lang dito nasangkot na ako sa mga ganitong klasi at ka seryosong sitwasyon.

Room 307

"Agatha! Kumusta? Ba't ka daw pinatawag ni Dean?" Pangbungad na tanong ni Lila saakin pagkapasok ng pagkapasok ko sa kwarto.

"Bakit alam mo?"

"Usap-usapan sa buong campus eh. Dahil ba doon sa nangyari kay Prof. Tioson? Balita ko na-ospital daw siya at nag-aagaw buhay na." Natatawa niyang ani.

Hindi ko alam kung sadyang masahin lang siya at hindi niya alam kung hanggang kailan niya lang pwedeng gamitin yung mga ngiting yun dahil sa tempo ng pinag-uusapan namin ay hindi dapat siya matawa.

Katawa-tawa ba yung pagkahospital ng professor? At dagdag pa yung nag-aagaw buhay?

"Bakit ka natatawa?" Nagbago naman agad ang eksperesyon ng mukha niya sa tanong ko. Peru nandoon parin yung pagpipigil.

"Ah? Ahem! W-Wala lang."

Nakakatakot ang pinapakita ngayon ni Lila saakin.

"Anong subject ba tinuturo ni Sir Tioson?"

"Nakalimutan ko na basta isang branch ng science yun na pinag-aaralan ang human system. Nung huling naging topic namin ay 10 years ago pa. At sa pagka-alala ko---- about mga joints yun, kung paano gumalaw ang tao dahil sa mga buto nila. Pina-imagine pa nga niya kami non, paano daw pag-walang joints ang tao? Hahahah nakakatawa nga yun eh." Nakangiti niyang ani.

Nakikinig lang ako sa kanya kaya pinagpatuloy niya ang pagkwe-kwento.

"Kadalasan akong pinapahiya ni Prof. Tioson sa harap ng mga kaklasi ko noon. Ako yung pina-Demo niya kung paano daw pagwalang joints ang tao. Mukha akong robot sa harap nila at sila nama'y tawang-tawa. Buong session akong pinalakad-lakad ni Prof non, hanggang sa na-realize ko na mukha pala akong tanga. Binagsak niya ako sa subject niya, at sabi niya may gagawin daw ako para sa kanya para pumasa ako." Huminto muna siya at tinignan ako.

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon