Gantihan!

331 20 0
                                    

Here's another update. One short scene. Enjoy your reading.

Dedicated to Rosel Talaro for adding this book to your reading list. Thank you po!


"Eunice! Hindi pa ba kayo nagsasawa sa paulit-ulit na gantihan?"

"Oo nga Eunice, Itigil niyo na yang ginagawa niyong dalawa ni Eric! Kung parati ba naman kayong mag-gagantihan eh hindi talaga matatapos yang away ninyo" singhal saakin ng dalawa kong pakialamerang kaibigan.

Psh! Bakit hindi nalang sila manood at isupport ako. Seguro in that way magiging masaya pa ako.


Kasalukuyan kung nilalagay ang daga sa locker ni mr. Mayabang. Haha! Hindi na ako makakapag-antay na makita ang mukha niya mamaya sa oras na makita niya ito.

"Pwede ba! Kung talagang kaibigan niyo ako dapat saakin kayo kampi. Hindi ako titigil hanggat hindi din siya titigil. Ako ang una niyang inagrabiyado at dapat ako din ang tatapos" sabi ko sabay sarado ng locker at hinarap sila tas nag smile ako.

Naaninag ko naman  na papalapit na sila Mr. Mayabang kasama ang mga kaibigan nito sa locker kaya kinaladkad ko agad ang dalawa kong kaibigan at chaka nagtago.

"Aish!" reklamo pa ng mga ito. Palibhasa kasi, crush nila yang mayabang na yan kaya nagkakaganyan yang dalawa.

Hindi ko nga alam kong saang banda nila nakita ang kagwapuhan ng mayabang na yan.

Hindi ko nalang iyun pinansin at sa halip ay sumilip nalang ako. Nakikipagkwentuhan pa si mr. Mayabang sa mga kaibigan niya habang inoopen yung locker niya. In 3.....  2..... 1....  Boom!



"AHHH SHIT! FVVK! WHO PUT THIS FVVKING THING INSIDE MY LOCKER?!"


"HAHAHAHAHAHAHA!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na sa pinagtataguan ko.

Kitang-kita ko kasi kung paano siya nagulat at napatalon sa gulat. Epic yung face niya haha! Na halos suntukin na niya yung isa sa kabarkada niya.

"What a very very nice result! Hahahaha! Sana pala vinidyuhan ko yun! Hahahha! Ops! Sorry but...gotta run!" kinindatan ko pa siya at chaka tumakbo ako paalis doon. Wala na akong paki-alam kong sumunod ba yung dalawa kong kaibigan.


"YOU WILL PAY FOR THIS YOU.... STUPID LITTLE CREAUTURE!" rinig kong sigaw niya. Hahahaha napapatawa nalang ako habang tumatakbo.

A FEW HOURS LATER

Nagtatatakbo ako sa CR dahil ihing-ihi na ako. Puputok na yung pantog ko.

Pagpasok ko sinipa ko agad yung mga cubicles doon. Tas yung huling cubicle lang yung last. Agh! I hope available siya.

SIPA! PSTTTTTTTTTTT!

Napapikit ako dahil sa tubig na tamama sa akin matapos kong sipain yung huling cubicle. At mas worst, naihi na ako sa panty ko.

Alam ko kung sino ang walang mudong gumawa nito saakin. Napalingon ako sa taong nagpalakpakan sa likod ko.

CLAP! CLAP! CLAP!

"Well, well, well. What a very nice result! Hahahahaha.. Sorry but i caught it on tape. Gotta run" tumakbo naman agad siya. He should be, dahil makakatikim siya saakin.

"AGH! GAGANTIHAN KITA MAYABANG KA! CHAKA MO! GRR!" galit kong pinahid ang mukha ko.

May narinig naman akong nagtatakbo papasok ng CR.

"Eunice! Are you okay?" ewan ko lang kung talagang nag-aalala nga ba yung mga kaibigan ko sa akin.

Naitirik ko nalang din ang aking parehong mata.

"Tsk! Do i really look like im okay? Huh?"

Basang-basa na ako na parang sisiw na naulanan. Agh! Humanda ka saakin Mayabang ka. Pag-iisipan ko ang magandang igaganti sayo. Grr! Buwisit!


Well yun! Pwede ko siyang bigyan ng part 2 if madaming votes and request. Babaye mwahhhh! Until next update ulit.

And also, please support my stories, kahit hindi sila kagandahan atleast I tried. Huhuhu! 
Until next update and peace out!

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon