After 183759374929182 years, nakabalik nadin ang Lola ninyooo. Nakaka-stress naman ito. Dapat mahigit 20 ang update ngayon. Ita-try ko, hehehhehee. Peru, feeling ko hindi naman aabot ng 20 .. Mga 15 lang seguro..
Tao poooo! May tao pa ba dito? Feeling ko wala na naman eh! Okay lang, mahal ko ang sarili ko. Hehehhehe. Peru mahal ko din ang readers ko. Kahit superrr silent ninyooo. Hehhehe
Sge na, UD na ako. By the way, horror tung unang update. Base sa true story to ah! Nangyari talaga to sa high school kong paaralan, peru hindi ako yung nakaranas. Hehe!
Ewan ko ba sa sarili ko, bakit ang aga-aga ko sa paaralang ito.
Hindi kasi, si Papa ang aga-aga ng trabaho niya. Eh, nakikisabay lang naman ako kaya 5 pa nga lang ng umaga, nandito na ako sa paaralan. Hindi pa nga sumisikat ang araw eh.
Ako pa nga lang mag-isa dito eh.
Oh!!
"Oh! Ba't may mga tao na sa room? May mas maaga pa pala sa akin?" May mga studyante na kasi akong nakikita na papasok at palabas ng classroom, "Hahaha, iba talaga kapag Rose eh. Kapag inatasang magdala ng susi, ang aga-aga kung makarating dito. Hahaha, hindi pala ako nag-iisa!"
"Rosee!" Sigaw ko.
Tumakbo ako patungong classroom. Medyo malayo-layo pa kasi eh.
"Ros--" biglang sumarado yung pinto. Kaya kinakatok-katok ko ang pinto, "Hoy! Papasukin niyo ako. Rose!" Bogsh! Bogsh! Naririnig ko pa ang mga tawanan nila sa loob.
Bwesit!
Bakit ayaw buksan ng mga to? "Isusumbong ko kayo kay Ma'am ah! Ayaw niyo akong papasukin! Hoy! Mga gago tong mga to oh!" Sinipa ko for the last time ang pinto.
"Hoy! Nancy, anong ginagawa mo? At bakit ---- bakit mo sinisipa yang pinto?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Rose? Bakit--- bakit siya nasa labas?
"Rose? Anong--- anong---" tumingin agad ako sa pad lock ng pintuan. Lock? Bakit to lock?
"Hoy! Nancy, napano ka ba? At bakit ang aga-aga mo?"
"--------"
"Wag mong sabihing------ nakita mo rin?" Napakunot ang noo kung nakatingin kay Rose? Anong ibig niyang sabihing nakita ko rin?
"Ahhhhhhh!" Napatakbo agad ako palayo doon sa classroom na yun.
May nakikita ba ako na hindi nila nakikita? May narirnig ba ako na hindi nila naririnig? Please tell me wala!
Ayaw kong mabaliw, peru sa naranasan ko kanina parang doon na ako papunta. Sinasampal-sampal ko ang mukha ko, pati noo ko. Lahat ng parti ng katawan ko.
"Nancy, wag kang matakot! Masanay ka na, kasi ako sinasanay ko ang sarili ko. Alam mo namang ang aga-aga ko palagi diba?" Pinaupo niya ako sa isang bench at saka tinitigan ako ng matalim. Mas lalo akong natakot. "Makinig ka, sayo ko lang to sasabihin."
Parang --- parang ayaw ko namang marinig eh! Baka mabaliw na ako sa takot.
"Alam mo kasi, Nancy. Hindi lang tayo ang nag-aaral sa paaralang ito. Madami tayo. At may Night Shift tayo peru --- hindi lang natin sila nakikita. Diba, 7 ang start ng class natin tas 5 tayo uuwi. Sila din on the other hand, 6 ang start ng class nila, has 6 din sila uuwi. Kaya nga pag 5 pa, hindi muna ako pumapasok sa classroom dahil may class pa sila." Mahaba habang paliwanag niya.
Hindi naman ako nakasagot agad!
"Nakakatakot ba? Hehehe, wag kang matakot. Hindi naman sila nang-aano kapag wala kang ginagawa na ikagaalit nila. Kaya wag kang matakot!"
True. Wag kasi kayong matakot, Hindi naman sila nang-aano eh. Minsan lang talaga kapag feel nila na paglaruan kayo, then gagawin talaga nila yan. Totoo to nangyari sa school namin. Madami pa nga yan eh. Nakakatakot kasi talaga yung school na yun eh.
Alam kong panget siya.. Hhehe
Until next UD andddd peace outtt!
![](https://img.wattpad.com/cover/107214638-288-k805357.jpg)
BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
Historia CortaHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...