Ang boring-boring! Kailangan kong gumawa ng madami para maibsan tong kaboringan na nararamdaman ko ngayon..
Namatay na sana ako.
Nung araw na tumalon ako sa ikatlong palapag ng building namin sa school.
"Dreame, bumaba ka na jan! Naiintindihan ka namin. Alam namin ang nararamdaman mo. Kaya Dreame, wag mong gawin to! Dreame, baba ka na diyan please.. Please~~ makinig ka saamin." Umiiyak na ako sa itaas. Nakadungaw sa mga taong pilit akong pinapababa.
May dala-dalang kutsilyo. Na kapag may nagtangkang lumapit saakin at siyang sasaksakin ko.
Hindi ko na kaya.
Masyadong mabigat na itong dinadala ko.
"Madaling sabihin yan---- dahil wala kayo sa posisyon ko. Dalawang guro at isang estudyante ang nanggahasa saakin. Kumalat yung sex tape na yun, nalaman ng mga magulang at boyfriend ko. Sa tingin niyo--- kakayanin pang mabuhay ng isang tulad ko dito sa mundo ng mga demonyo?" Umiiyak ako.
Walang hanggan ang mga luhang lumalabas sa magkabilang mata ko. Parang tubig ng sapa, hindi nauubos.
"Ilang beses akong nanghingi ng tulong sa inyo ngunit wala kayong ginawa. Sinabi niyo pang itikom ko nalang ang bibig ko para hindi masira ang imahe ng eskwelahan. Lahat ng nasa loob ng empyernong skwelahan na ito ay puro demonyo! Mga kampon ni satanas! Isinusumpa ko! Na kasabay ng pagkawala ng buhay ko, lalamunin din nito ang buong skwelahan at ang lahat ng nasa loob nito. Mga demonyo kayo!"

BINABASA MO ANG
SHORT SHOTS
ContoHighest rank: #20 Short Stories. Gusto mo bang kiligin? Bored kaba at gusto mong tumawa? Or baka naman, mas bet mo yung nakakatakot? O di kaya'y nakaka-iyak. Or baka naman wala kalang talagang magawa sa life mo? Then, waste some of your time reading...