Blind Date!

117 5 2
                                    

Inspired by our school's foundation day. Tas na blind date kasi kaibigan ko kaya napagtripan kong isulat. Wala lang, trip ko lang.

Tsk! Tsk! Tsk!

Ito na naman, foundation day na naman! Kung walang time in, time out dito at 100 points, malabong pupunta ako! Aish! Bakit kailangan pa talagang pumunta?

"Fasha, mamayang 5 pm pa daw yun time out! Paano ba yan, mag-aantay pa tayo ng isang oras! Aish, gusto ko ng umuwi. Hindi ko naman type yun mga booths nila dito! Puro love-love nakaka-inis!" reklamo ni Shan habang nagmamaktol dala-dala ang bag niya.

Wala naman kaming magagawa, adviser na namin ang nagsabi. Aish! Ako din naman, gustung-gusto ko ng umuwi.

Sino bang hindi? Hindi kasi kami nakakarelate sa mga booths dito! Sa cafeteria na nga lang ang tambay naming tatlo! Hindi ko nga alam kung bakit subrang nag-eenjoy sila dito sa loob ng campus.

"Dito na nga lang muna tayo, antayin nalang nating mag-5. Maaga pa naman!" simpleng ani ni Rain.

Naupo kami sa may bench sa open field.

Nakatunga-nga! Ano? Magtititigan nalang kaming tatlo dito?

Buti pa si crush, bentang-benta sa blind date! Ang daming admirer kasi. At ayaw ko ng sumapaw no! Hindi ko nga sinabi kila Shan at Rain na may crush ako kay Darth! Kasi alam ko, gagawa ng kagaguhan yang mga yan, kaya mas mabuti pang tumahimik nalang ako.

Hayyyy! 3 years and 5 months na kitang crush, Darth kung alam mo lang. Peru yun nga lang, ang hirap mong abutin. Langit ka, lupa ako. At hindi na ako aasang maging tayo. Miracle na yun.

"Teka, naiihi ako!" Reklamo ni Rain at agad na tumayo.

"Sama ako, Rain! Fasha, dito ka lang ha! Oh, bantayan mo ang mga bag namin. Babalik lang din kami agad!" second the motion naman ni Shan. Simpleng tango nalang ang nagawa ko! Dahil obviously, wala na akong magagawa.

10 minutes later! (Spongebob)

Ang tagal naman ng dalawang yun! Ano bang ginagawa ng mga yun sa cr? Ano? Nakain na ng inidoro?

Bigla ko nalang naramdaman ang isang malamig na panyo na akmang bubulag sa mga mata ko!

"Sorry, but someone requested you for a blind date?" Tuluyan na niya akong na-blind fold. Hindi ako nakapalag dahil may dalawang malamig na kamay din ang humawak sa magkabilang braso ko!

"Peru teka, baka hindi po ako yun! Teka-- teka--" tuluyan na nila akong nakaladkad! At papunta kung saang sulok ng campus!

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon