Married My Elementary Teacher When I was 9?!

3 0 0
                                    

"Alisha! Stand up?!"
"Alisha! Quiet!"
"Alisha?! Be quiet, will you?!"
"Ali, could you please-- aish?!"

"Sir! Si Alisha po, nang-aaway!"
"Ahhh, huhuhuhu-- ma'am si Alisha po oh, sinuntok ako. Huhuhuhuhuu"
"Siiiirrr, si Alisha po lumabas ng classroom, uuwi na po daw siyaaaa!"

"Sinong tumusok ng ballpen sa kamay mo Ethan!?"
"Si --- Alisha pooo sir huhuhuhuhu!"
"ALISHAAAAA! I WANT TO SEE YOUR PARENTS TOMORROW!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Qaqo ka pala'ng talaga nung kabataan mo no? Ilan taon ka pa nun? 9 years old? Qaqo talaga. HAHAHAHA So anong nangyari sa classmate mo Ali?"

"Hahahahahaha, ayon, dinala sa hospital, bumaon kasi talaga ang ballpen sa kamay niya. Kasi naman, panay hila niya sa buhok ko e kaya nagalit ko. Tsk! Hindi ko naman pinagsisihan yun. Hahahahahahaha, served him right."

"Qaqo ka talaga, hindi ka man lang humingi ng paumanhin sa mga magulang nun."

"Malay ko bang kailangan palang humingi ng paumanhin noon? Hahahahaha!"

"Qaqo ka talaga! Hahahahaha, pero teka nga pala, ikuwento mo nga ulit sa amin yung homeroom teacher mo."

"Bakit ba kayo interesado doon? Sigurado naman akong matanda na rin yun ngayon, siguro nga e patay na yun e."

"Ang sama mo. Tsk! Sigurado ka bang hindi mo na maalala ang pangalan at apilyedo ng homeroom teacher mo na 'yon?"

"Oo, kahit pa biyakin niyo 'tong ulo ko ay wala na yun sa alaala ko. Tara na, baka malate tayo sa major class natin." anyaya ko sa mga kaibigan ko matapos ang isang napakahabang kwentuhan. Halos nakwento ko na nga sa kanila lahat ng nangyari sa elementary days ko e.

Paano, hindi naman kasi sila makapaniwalang sa tino ko ngayon ay ganoon ako ka barumbado noong elementary ako. May dahilan naman lahat ng yun e, kung bakit ako tumino.

May isang araw pa nung grade 4 ako e, binato ako ng eraser ng homeroom teacher naming lalaki, sa pagkaka-alala ko ay medyo bagong teacher yun sa school namin e. Binato niya ako ng eraser dahil panay kwento ko sa katabi ko habang nagdidiscuss siya, ayon, natamaan ang kaliwang braso ko. Medyo masakit pa naman yun pero syempre hindi ganun kasakit, OA lang talaga ako. Hehehehehe.

Umabsent ako nun sa hapon dahil nahihiya na rin akong bumalik pa sa school matapos akong batuhin ng eraser ng teacher ko, nakita pa naman yun ng lahat. Umakyat nalang ako sa may bayabasan sa amin, ibebenta ko kasi yun para may pambili akong yoyo. Eh sa kamalas-malasan naman, nahulog ako, yung pagkakahulog na iyon ay talagang tinamaan kaliwang braso ko saktong-sakto doon sa tinamaan ng eraser. Hahahaha, double kill e.

Ang sinabi ko sa mga magulang ko pag-uwi ko nung tinanong nila ako kung bakit may pasa ang kaliwang braso ko ay dahil binato ako ng homeroom teacher namin ng eraser, e subrang maga nun dahil nga sa pagkakahulog ko, subrang nagalit sila't gustong magreklamo.

Hindi ko naman kasi alam na aabot pala sa korte yung kasinungalingang iyon. Ayaw ko namang mapahiya ang mga magulang ko kaya pinanindigan ko nalang ang kasinungalingang iyon. Hindi naman nagdeny yung homeroom teacher namin e, saka madami rin ang nakakita nung binato niya ako ng eraser, hindi lang sila makapaniwalang ganoon ang naging resulta ng mga pasa sa pagkabato niya. Humingi nga rin siya ng paumanhin sa mga magulang ko e.

Pinagbayad siya nun ng danyos, hindi ko alam magkano pero iyon 'ata yung ginamit namin pangpahospital ko. Doon ako nabuko ng mga magulang ko dahil sabi ng doctor hindi ko daw makukuha yung pasang iyon sa simpleng bato lang ng eraser, maaaring sa pagkahulog daw mula sa isang mataas na bagay.

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon