Panget nga!

31 1 3
                                    

Before going to a summer job interview, let me publish this one shot.. Wish me luck guys...

"Kung sasabihin ko sayong mahal kita, mamahalin mo rin kaya ako?"

"Kung sabihin ko sayong masaya ako kapag kasama kita, iiwasan mo na ba ako?"

"Kung--- kung sasabihin ko sayong---- nata-tae ako, papayagan mo ba akong tumakbo sa C.R.?"

"Rine, ano na naman ba yang iniisip mo? Nakatunga-nga ka na naman at sinusungkit yang mga kulangot mo pinapahid mo pa sa dingding. Alam mo, di na ako magtataka kung biglang lumaki yang butas mo sa ilong!" Ito namang si Tinay, nanjan talaga siya taga basag ng momentum. Pinahid ko nalang ulit yung last kulangot ko at hinarap siya.

"Tinay, napagdesisyunan ko na---- magco-confess na ako kay Lance bukas. Saaaaaasabihin ko na laaaahaaat ng nararamdaman ko sa kanya!" Panay hila ko sa pajama ko dahil lose na kasi yung thread niya. Ewan ko, nilagyan ko naman to ng safety pin kanina para di malaglag peru biglang nawala.

"Hahahahahahah, nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo, hindi ka ere-reject ni Lance? Look at yourself, Rine. Mukha kang galing sa isang napakalubhang sakit. Okay ka lang? Hahahaha!" Tsk! Supportive kasi talaga siya kaya siya nagkakaganyan.

"Di bale na, maganda nama----"

"BWAHAHAHAHA! Maganda? Pwet ko! Halika ka dito!" Pinaharap niya ako sa salamin, "Itong bwesit na buhok nato, uso pa to nung panahon ng mga unggoy eh. Hindi mo pa ata nakilala si Suklay. Smile ka!"

SHORT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon