Page 1 Wednesday
Nagbayad na ako kanina para sa student night na gaganapin sa linggo. Last money ko na 'yon. Kailangan ko na naman maghintay ng padala mula sa tatay kong wala na yatang balak itapak ang paa sa kalupaan. Parang nais na lang niyang tumira sa barko. Sana mabangga sa malaking yelo ang barko na sinasakyan niya para makaisip siyang umuwi.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa alok ng professor namin na sumali ako sa student night. Sinasabihan kasi nila akong KJ. Totoo naman kasi. Hindi ako masyado nakikipag-usap. Pakiramdam ko kasi mga plastic sila. Siguro kapag namatay sila, hindi sila mabubulok.
![](https://img.wattpad.com/cover/127709193-288-k360659.jpg)