Page 35 Friday
Kakauwi lang ni Cecilia. Dumiretso siya rito sa bahay kanina pagkatapos niya sa school.
May dala siyang mga gamot. Pinainom niya sa akin. Medyo gumaan naman na ang pakiramdam ko ngayon. Inalam niya sa office ng school namin ang address ko kaya natunton niya ako rito. Ang effort ng gaga. Talagang gusto niyang patunayan na karapat-dapat siyang maging kaibigan ko. Shock ako no'ng una. Siya ang kauna-unahang babaeng nagpunta rito na hindi ko kamag-anak maliban sa mga barkada ni Mama. Siya ang nagluto ng kakainin ko kanina. Naglinis din siya rito sa bahay. Hindi ko naman siya inutusan, siya lang ang eksenadorang nagpumilit na gawin 'yon.