Page 64 Friday
Naglalakad ako papuntang sakayan, may nakasalubong akong babae na nakasimangot, walang hiya, si Cecilia ang naalala ko.
Pagdating ko sa school, kinurot ako bigla ni Cecilia sa tagiliran. Napamura ako.
"Tang ina!"
sabay sagot siya ng,
"Mura ka nang mura. Ayoko na marinig na nagmumura ka."
Sagutin ko nga.
"Ayoko na ring nakikinig ka kapag nagmumura ako."
Ito na ako. Nakasanayan ko na ito kaya ayaw kong baguhin ako ng ibang tao. Kung gusto ko magbago, gagawin ko 'yon. Huwag lang akong pilitin at madaliin. Hinatid niya ako sa room namin. Nagtataka na mga kaklase ko kung ano raw ba meron sa aming dalawa. Mukha na ba talaga kamin magsyota? Hindi ba puwedeng close friend lang? Close na pala kami? Hindi ko namalayan 'yon, a. Dinaan ako sa kaartehan ni Cecilia.
Bago siya umalis ng room namin, nag-selfie pa siya sa tabi ko. Hindi na nagsawa sa mukha niya. Pambihira.