Page 121 Sunday
Tumawag si Papa, umiiyak sa kabilang linya kasi nagtapat na raw si Mama sa kanya. Tinatanong niya kung matagal ko na raw bang alam. Sabi ko oo. Ano na naman ngayon? Ayon, umiyak nang umiyak. Naisip ko nga na baka bigla 'yong tumalon sa barko sa sobrang depress. Hindi ko alam pero medyo nag-alala ako. Gano'n pala ang pakiramdam ng maloko. Nang iputan ka sa ulo.