Page 130 Monday
Ang ganda-ganda ng awra naming dalawa ni Cecilia nang pumasok kami sa school. Tang ina naman, ganito pala talaga kapag na-inlove, mukhang tanga lang. Hahaha. Ang higpit-higpit ng hawak ko sa kamay ni Cecilia kanina. Gusto ko ipakita sa lahat ng lalaking nadadaanan namin na akin lang ang babaeng 'to. Bawal maagaw kasi makakapatay ako. Kaya lagi kong sinasabihan si ng,
"Subukan mo lang lumandi sa iba, malaya ka na."Alam ko naman na hindi niya magagawa 'yon. Kahit may duda ako sa sarili ko, batid kong ako lang. Hindi ko na pakakawalan 'to, akin na 'to.