Page 123

82 3 2
                                    


Page 123 Monday

Napaaway lang naman ako kanina sa school dahil doon sa lalaking bumangga kay Cecilia. Natumba si Cecilia sa sobrang lakas ng impact, e. Tang ina kasi ng lalaking 'yon naglalaro sa phone habang naglalakad. E kami naman ni Cecilia nag-uusap.

Nang matumba ang gaga, sa halip na itayo ko siya, mas inuna kong sapakin 'yong lalaki. Bigla ko lang nagawa 'yon. Hindi naman ako basagulero pero no'ng makita kong nakaupo si Cecilia sa sahig, lumanding agad 'yong kamao ko sa mukha ng gago, e. Inawat kami ng mga nakakita. Gusto rin akong sapakin ng lalaki pero hindi niya magawa-gawa kasi may nakahawak na dalawang babae sa braso niya.

May sinabi pa siya ng lalo kong kinainis, e.

"Tang ina kasing babae 'yan hindi natingin sa dinadaanan!"

'Yan ang sabi niya. Sa sobrang galit ko, nasuntok ko siya ulit. Pero naawat agad ako ni Cecilia kaya nakadalawa lang ako. Loko siya. Ako lang ang puwedeng murahin si Cecilia dahil sign of love ko 'yon.

Dinala kami sa guidance. Nagkaayos naman kami bago kami maghiwa-hiwalay.

Tapos habang naglalakad na kami sa hallway palaba ng school, tinanong ako ni Cecilia kung nasaktan daw ba ako, aba tanga talaga, siya nga itong napaupo sa sahig tapos ako pa ang masasaktan.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon