Page 87 Friday
Lalapitan ko sana si Cecilia kanina sa canteen nang biglang may umakbay sa kanyang lalaki. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko kanina pero napansin ko na lang na nakasarado na pala ang mga kamao ko. Tapos nagbabanggaan ang mga bagang ko. Sino kaya 'yong gagong lalaki na 'yon? Bakit siya umaakbay? Ito namang si Cecilia nakangiti pa. Sarap sampalin, e. Hindi ako nakita ni Cecilia no'n kaya umalis na lang ako.