Page 51

92 6 6
                                    


Page 51 Sunday

Kakauwi ko lang mula sa kung saan. Nag-text kasi kanina si Cecilia na magkita kami sa tapat ng 7/11. Nag-usap kami. Umiiyak na naman siya. Nababanas ako kapag umiiyak siya pero hindi ko alam kung bakit parang ang bigat sa pakiramdam. Nang tanungin ko siya kung anong problema niya, nakikipagbalikan daw 'yong ex niya. Pero ang sabi niya, ayaw na niya. E kung ayaw na niya ano pang inaarte niya?

May iba na raw kasi siyang gusto.
Hindi niya sinabi sa akin kasi hindi pa raw siya sigurado sa nararamdaman niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagkukuwento siya. Iyak tawa ang ginawa niya. Para na siyang baliw.

Pagkatapos namin sa 7/11 niyaya niya akong magpunta sa perya no'ng maggabi na. Tumanggi ako dahil ayaw ko sa matataong lugar pero nagpumilit na naman siya. At talagang hindi ko na siya napipigilan ngayon.

Naglaro kami ng kung ano-ano. Basta marami. Kitang-kita ko sa mukha niya na ang saya-saya niya. Para siyang bata. Napatawa nga ako no'ng madulas siya kasi ang ligalig niya. Na-shock siya kanina. Kasi first time lang daw niya akong nakitang tumawa. Tang ina. Binalik ko agad ang mukha ko sa dati. Hindi dapat ako tumawa. Ako si Paul Martin. Ang lalaking walang pake sa salitang happiness.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon