Page 128

73 3 1
                                    


Page 128 Saturday

Nairaos ko ang monthsary namin ni Cecilia. Hindi kami gumala, dito kami nag-celebrate sa bahay para mas makilala siya ng parents ko. Gusto ko rin kasing maging close sila sa isa't isa. Niregaluhan ko si Cecilia ng kuwintas. Mumurahin lang 'yon. Wala kasi akong budget. Galing pa 'yon sa natira kong allowance. Pero sobrang lapad ng ngiti niya nang isuot ko sa kanya 'yon, umabot yata 'yong smile niya hanggang batok, e.

Hindi kami nag-iinom ni Cecilia. Pero pinilit kami ni Mama at Papa. Feeling close talaga ang mga 'to. Pasalamat sila napatawad ko na sila kahit pa may kaunti pa rin akong tampo.

Hindi naman ako gaano nalasing. Sabi ko kasi masama pakiramdam ko kaya hindi ako masyado uminom. Pero itong si Cecilia, tang ina, patay-uhaw sa alak. Nakatikim lang ng kaunti kanina, ayon, namihasa. Ngayon, tulog na siya rito sa kama ko. Habang ako nagsusulat pa rin. Medyo inaantok na ako. Sa sala ako matutulog.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon