Page 38 Monday
Hinila ako ni Cecilia sa canteen. Wala kasi akong gana kumain kanina kasi kagagaling ko lang sa sakit. Nilibre niya ko. Adobo rice at softdrinks. Panay ngiti na naman siya. Mukhang nakalimot na siya sa break up nila ng gago niyang ex. Kanina ko lang talaga napansin 'yong buo niyang mukha. Ang ganda niya kahit naka-eye glasses. Kahit mukha siyang nerd, marunong siyang magdala. Ang kaso, wala akong pake.