Page 135

75 5 3
                                    


Page 135 Saturday

Sure na ang alis namin sa monday. Kaya kanina pa lang ay nag-impake na ako. One week yata kami ro'n sa Vigan, e. Sinabihan ko na rin si Cecilia na magpaalam sa parents niya. Pinayagan naman daw siya.

Pero ito ang malupet, wala 'tong kinalaman sa monday, inaway na naman kasi ako ni Cecilia kasi nag-comment si Joyce sa profile picture ko sa facebook. Sabi ni Joyce, ang guwapo ko raw. Ayon, ako ang binungangaan ni Cecilia. Hahaha. Kasalanan ko bang 'yon ang tingin sa akin ni Joyce? Malay mo naman totoo 'di ba?

Tanong nang tanong si Cecilia kanina habang magkausap kami sa phone. Bakit daw parang close kami ni Joyce. Siguro daw nilalandi ko rin. Tapos sabi siya nang sabi na mas maganda siya kay Joyce kahit wala namang nagtatanong. Hahaha. Alam kong nagseselos siya pero tinanong ko pa rin kung nagseselos ba siya. Galit na galit, e. Hahaha. Mukha daw bang hindi? Halata nga. Ang sarap niyang asarin kanina. Siguro umusok ang ilong no'n. Biniro ko pa nga na crush ko si Joyce dati kahit hindi naman totoo, bigla akong minura, e. Hahaha. Sabi niya sasabunutan niya raw si Joyce sa monday, e aalis nga kami ng monday 'di ba? Tanga talaga.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon