Page 132 Wednesday
Ini-invite ni Papa si Cecilia na sumama sa amin sa Vigan. Sasamantalahin daw ni Papa ang leave niya at ang sembreak namin na sa monday na ang simula.
Pumayag si Cecilia. Siyempre masaya ako. Ito ang unang pagkakataon na pupunta kami sa malayo na magkasama.
Pero kanina habang nasa jeep kami, sa bandang dulo ng upuan, nilabas ko 'yong cellphone ko at nag-selfie kaming dalawa. No'ng makababa na ako, saka ko lang na-realize na mukha pala akong tanga kanina, pinagtinginan kami ng mga pasahero.