Page 143

69 4 1
                                    


Page 143 Wednesday

Hinimatay ako kanina sa computer lab habang nagko-code kami. Sobra kasing napiga ang utak ko sa mga letseng code na 'yon. Dinala nila ako sa clinic. Paggising ko nandoon nasa tabi ko na sila Mama. Mabuti na lang talaga at hindi pumasok si Cecilia kanina dahil may ginawa silang interview. Ayokong malaman niya na hinimatay ako dahil alam kong mag-aalala siya. Kanina, no'ng nasa clinic kami, nagpunta ako sa CR para umihi. Napansin kong parami nang parami 'yong pantal ko. No'ng una sa hita lang, ngayon sa bandang braso ko meron na. Namaligno ba ako? Puta. Dapat hindi na lang ako sumama sa Vigan.

Umuwi kaming hindi pinaalam kay Cecilia ang nangyari. Simpleng lagnat lang naman 'to. Baka allergy nga lang siguro.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon