Page 98 Tuesday
Pinagmamasdan ko siya kanina habang kumakain kami sa canteen. Kahit mukha siyang patay-gutom kasi ang bilis niyang kumain, ang ganda niya pa rin. Mukha pala siyang koreana. Ngayon ko lang na-a-appreciate ang ganda ng letse na 'to. Lihim ko siyang tinitingnan. 'Yong labi niya, pinapaalala sa akin na hinalikan ko siya. Pero, bigla akong nalungkot, nakakaramdam na ako ng lungkot. Nanliit ako sa sarili ko. Naalala kong pangit pala ako. Parang ang kapal ng mukha kong halikan siya. Tang inang buhay 'to. 'Yong palihim na ngiti ko ay napalitan ng seryoso. Bigla akong tumayo sa upuan at iniwan ko siyang mag-isa. Hindi dapat. Masyado akong mababa dumikit sa mataas.