Page 152

66 5 1
                                    


Page 152 Saturday

One week na kaming hindi nagkikita ni Cecilia dahil sobra niyang busy sa school. Nagkakausap naman kami sa phone kaya okay lang.

Kanina, napag-usapan namin nila Papa na umuwi na lang ako sa probinsya. Doon sa bahay ng lolo't lola ko. Mas maaliwalas daw doon para makapagpahinga ako nang maayos. Sabi ni Papa, sabihin ko raw kay Cecilia na pupunta ako ng probinsya at dadalaw kina Lolo. Pero ang gusto ko, kapag naroon na ako. Hindi na ako magpapakita kay Cecilia. Hindi na ako babalik. Hindi ko rin naman kasi kayang sabihin sa kanya ang kalagayan ko kaya mabuti lang na isipin niyang iniwan ko lang siya. Pumayag ang parents ko sa gusto ko. Ayaw din naman nilang masaktan si Cecilia kaya sang-ayon sila sa akin.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon