Page 71 Friday
Muli akong tinanong ni Cecilia tungkol sa pamilya ko. Ang kulit niya talaga. Wala siyang kadala-dala. Pero kanina, hindi ko na siya namura. Kalmado ako. Medyo magaan na kasi ang pakiramdam ko sa kanya. Aaminin kong may tiwala na ako sa kanya kaya naman nagkuwento ako ng problema. Nasabi ko na sa kanyang nasa barko si Papa at si Mama naman ay may kabit. 'Yon ang unang detalye tungkol sa buhay ko ang sinabi ko sa kanya. Akala ko matatawa siya kasi pangpelikula ang buhay ko. Pero hindi, tinapik-tapik niya lang ako at sinabi niyang, "Magiging okay din kayo."
Pero sana isipin niya muna pamilya niya bago niya problema ang akin ano?
Bago kami maghiwalay kanina, Nginitian niya ako nang malapad sabay apir sa akin. Napaisip lang ako, tang inang 'to, feeling close lang sa akin 'to noong nakaraan, e. Tapos ngayon magkaibigan na kami. At talagang pumayag akong magkaroon ng kaibigan na tulad niya. Pero gano'n pa man, wala na kong magagawa. Nandiyan na 'yan. Nagpapasalamat din ako sa kanya ng slight dahil kahit paano? nagkakaroon ng thrill ang buhay ko.