Page 13

111 16 7
                                    


Page 13 Friday

Galing ako ng CR at paakyat na ako ng room. May nadaanan akong babaeng umiiyak na naman. At siya na naman. Wala na siyang piniling lugar. Kung saan-saan na lang naiyak. Parang tanga. Lalaki lang iniiyakan pa. Mamamatay rin naman 'yon. Lalagpasan ko siya dapat, e, kaso, napahinto ako nang tumingin siya sa akin sabay sabing...

"Kuya may panyo ka?"

Tumango lang ako sa kanya at dinukot ko ang panyo sa bulsa ko sabay hagis sa mukha niya. Umalis na ako at iniwan ko na siya sa hagdanan.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon