Page 116 Monday
Dami ko nang absent. Wala akong pake sa thesis, kaya na nila 'yon. Tinapos ko kasi 'yong scrap book. Mga 10 pages din 'to. Tapos may mga ginupit at dinikit na colored paper. Sa bawat picture niya may nakalagay na notes. Tapos sa dulong pahina may "Tang ina mo I Love You." Haha. Hindi ko kasi kayang magpaka-cheesy lang. Kaya hinaluan ko ng may pagka-harsh. Pinilit kong hindi kiligin.
Basta ang importante, natapos ko 'to bago maggabi. Napapangitan pa nga ako, e. Hindi ako marunong gumawa ng mga ganito. Bahala na. Para naman maramdaman ng gagang 'yon na seryoso ako sa kanya.
Nakakaulul. Ganito pala ang epekt ng pag-ibig. Nakakabaduy talaga.